Sino ang @steemitpowerupph?

in #pilipinas6 years ago (edited)

26239009_2033948799956328_4074992848203912222_n.jpg

image source

Magandang araw sa inyong lahat! nandito po ulit ako ang inyong lingkod @ankarlie upang ipapakilala ang aming gropo @steemitpowerupph. Marahil madami ang nagtatanong kung ano ba ang @steemitpowerupph. Kami ay gropo ng mga "crypto-enthusiast" na ang pangunahing alituntunin ay maibahagi ang napakagandang mundo ng "cryptocurrencies" at ang mga oportunidad na pwede nitong idulot sa mga ordinaryong tao.

Sa aming adhikain na mapalaganap ang kaalalam nito minabuti naming gamitin ang plataporma ng STEEMIT bilang isang epektibong pamamaraan upang maibahagi namin ang munti naming nalalaman sa mga iba't bang aspeto nito, lalo na sa iba't ibang pamamaraan kung paano natin magamit at paramihin ang ating "cryptocurrency." At higit sa lahat nais naming gumamit ng isang plataporma na gumagamit ng "cryptocurrency" na nais naming itaguyod. "Practice what you preach" sabi nga sa wikang ingles.

Ano ba ibig sabihin ng isang "crypto-enthusiast?" Himayin natin ang salitang "crypto-enthusiast." Ang unang bahagi ng salitang ito ay "Crypto" o "Cryptocurrency." "Cryptocurrency" ay isang salita sa wikang ingles na itinalaga ng mga eksperto upang ilarawan ang isang bagong uri ng "Pera." Tulad ng ordinaryong "Pera" ito ay pwede mong ipagpalit sa mga produkto at mga serbisyo. Ito ay bago, dahil ginamit nito ang makabagong teknolohiyang "blockchain" na nagbibigay ng siguridad na hindi ito makokopya at laging masubaybayan ang lahat ng mga transaksyon nito. Sa madaling salita ang "cryptocurrency" ay isang makabagong uri ng pera na maaring ipagpalit sa sa serbisyo at produkto. Ang ikalawang bahagi ng salitang "Crypto-Enthusiast" ay "Enthusiast" na ang ibig sabihin ay isang tao na lubhang interesado sa isang bagay. ssa makatuwid ang isang "Crypto-enthusiast" ay tao or gropo na lubhang interesado sa "cryptocurrency."

Maraming dahilan kung bakit nagiging "crypto-enthusiast" ang isang tao. Ngunit hindi natin mapagkakaila na isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagiging crypto-enthusiast ang isang tao ay ang posibilidad na nandito matustusan ang pangangailangan nila sa "Pera." Lahat tayo kailangan ng "Pera" dahil halos lahat ng pangunahing pangangailangan ng tao ay madaling makamit kung may "Pera." Pagkain, damit, tirahan at gamot lahat kailangan nito. Kailangan din natin ito para sa ibang bagay. Edukasyon, serbisyong medical, sa paglalakbay at kahit sa "internet" na ginagamit niyo ngayon "Pera" ang kailangan. Sa madaling salita nagiging "crypto-enthusiast" ang isang tao dahil naniniwala sila na ito ang magiging "tulay" upang makamit ang kani-kanilang adhikain.

"Poverty" o kahirapan ang aming kalaban. Niniwala kami na kung matututunan ng ordinaryong tao paano gumamit at magparami ng "cryptocurrencies" malaki ang posibilidad nito na maging malaya sila sa kahirapan o maging malaya sa patuloy na pangagailangan ng pera. At yan ang @steemitpowerupph, gropo ng mga "cypto-ethusiast" na naghahangad ng kalayaan sa pangangailangan ng pera.

Alam namin na hindi simpleng usapin ang cryptocurrencies. Nandito kami upang maging gabay at ibahagi ang aming kanya-kanyang karanasan (tagumpay man o pagkabigo) at kaalaman bilang mga "trader," "investor," at "consumer" nito.


Sort:  

Gusto ko rin na matutunan ang mga bagay na nakasaad sa taas at gusto kong sumama sa layunin ng inyong grupo

Bilang Isa sa mga kumakatawan ng grupo, maraming salamat sa interes.

walang anuman

Ang galing ng paliwanag, madaling maiintindihan ng mga nkakabasa nito.

Salamat po.may natutunan ako.

isang napakagandang adhikain ang meron and grupong ito. bukod sa likas na matulungin ang mga lider. nagdadagdag kaalamn pa ito tungkol sa mga crypto thingy na ako mismo ay di pa pamilyar. maraming salamat bunso at sa buong grupo. mabuhay ang steemitpowerupph 👏👍❤️❤️❤️

maraming slamat po sa isang initiative na napakaganda, lalo na sa mga tulong lalo na s amga artikulong di masyadong nabibigyang pansin. ipagpatuloy mo po ang mga mabubuting misyon . nawa po ay patuloy ikaw ibless ni Papa God. miss @ankarlie 👶❤️❤️❤️

Upvoted!! Nice.

galing ... okay ang pagka expalin..inaaaral na din namin sa tulong nyo :) salamat ann.

Isang napagandang artikulo eto @ankarlie... mas madaling maunawaan ng katulad kong baguhan sa crypto world... salamat sa tiyaga at patuloy na pagbabahagi sa amin ng iyong kaalaman... salamat sa inyong grupo @steemitpowerupph

Salamat sa magaling ming paliwanag! Makakatulong ito sa mga baguhan tulad ko.

Hindi man ako magaling sa crypto
Pero paunti-unti natuto ako
Dahil sa tulong ninyo
Maraming salamat'!

Aba nadugo utak ko nito, anyway di natin maipangako ang madaliang pagppalago sa Crypto kung wala tayong determinasyon at pasensya dahil ang larangang ito ay nangangailangan ng sapat na kaalaman, batay sa aking karanasan ako po ay nahumaling sa YouTube at google nung akoy NOOB pa lamang, duguan lagi ang inyong lingkod sa kadahilanang wala akong nkkausap noon na eksperto, hanggang sa isang araw na scam ako, at hindi lng isa maraming mga araw dahil lng sa kagustuhan kong matutong mg trading, pero ok lng ako at duguan pa rin ang ilong ko...haha

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 65156.13
ETH 3530.38
USDT 1.00
SBD 2.48