Maikling kwento nga ba? O Mahabang hugot! 😂

Ako'y may kwento, maikling-maikli. Oo, tama kayo, mga kaibigan. Maikli lang talaga kasi gusto ko lang naman ipahayag ang aking damdamin. Kung ano lang ang saloobin ko ngayon. Marahil ang iba sa inyo'y nagtatanong, nagtataka kung bakit malimit na akong magparamdam sa mundo ng steemit. Hindi sa ako'y nayayamot na at nagmamaktol, bagkus ako po ay nagsusumikap na makaahon kahit papano. Ang iba sa inyo'y alam na kung bakit. Hindi po kasi madali ang sitwasyon ko sa kasalukuyan.

Sadyang napakahirap po talaga ang mag-alaga ng stroke patient. Ang hirap hirap at gustung gusto ko na pong sumuko, yon bang mahimatay na lang para makapagpahinga naman kahit konti lang. Sobrang hirap at pagod dahil nagtatrabaho po ako umaga hanggang hapon. Pag-uwi ko naman ay saka din po uuwi ang kasama namin na siyang matyagang nag-aalaga sa aking nanay. Hindi po kasi siya stay-in at sobrang nakakapuyat at nakakapagod po sa gabi. Minsan dinadala ko na lang sa pag-iyak, nagsusumbong ako sa Diyos at minamadali ko Siyang pagalingin na Niya ang nanay ko dahil hirap na ako at pagod na ako sobra.

Maikli lang daw pero nakakatatlong talata na ako. Pagbigyan na po ninyo ako ngayon lang po ito. Gusto ko lang po kasing ibuhos ang aking damdamin. Sasabog na po ito kung hindi ko ito maisusulat ngayon. Hindi dahil sa ako'y nag-aalala na wala akong naisulat sa loob ng dalawang araw kundi dahil kailangan ko pong magdrama bwahahahah lols! 😂

Eto na po seryosong usapan na po ito, Kaya ako nagdesisyon na idaan na lang sa kwento itong aking himutok sa sitwasyong napakahirap para sa akin dahil gusto kong gumaan ang aking dalahin. Mahirap kung sa mahirap at wala din naman akong magagawa kundi gawin at kayanin dahil wala naman akong mapagpipiliang iba di po ba? Kaya eto kinakaya ko lahat, ginagawa ko lahat, pero tao lang din po ako, nauubos din po ako, nahahapo, napapagal, nasasakal at nagwawala. Ewan ko, lahat naman na ng alam kong paraan e ginawa ko na pero wala pa din. Siguro nga maikli lang talaga ang kwento ko.

Sa ngayon, dito na lang po muna ako magtatapos. Hayaan niyo po, at kayong lahat ay aking babalitaan anuman pong progressong madaanan po namin ng aking pamilya. Masaya po ako na kasama ko po kayong lahat sa panalangin para sa aking nanay. Mahal na mahal ko po kayong lahat. ❤️ Paumanhin po sa mga patuloy na sumusuporta sa akin. Hiling ko lamang po ay hayaan niyo po sana akong ibalik sa inyo ang inyong kabutihan kapag ako po ay nakaluwag-luwag na. Maraming salamat po muli, patuloy niyo po sana kaming isama sa mga dasal ninyo. ❤️

I am @sashley a.k.a. shirleynpenalosa, a recipient of God's love, mercy and grace. ❤️

Have a blessed Summer month of March 2018 everyone :-)❤️

I am forever grateful to God every day of my life for giving me everything that I need and praise Him all the more for not giving me everything I want. To God be all the honor, praise and glory ❤️ :-)

@surpassinggoogle is such a generous person and has a very big heart for all of us here. Please support him as a witness by voting him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.


(Photo credits: from sir @surpassinggoogle's post footer)

If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

@paradise-found is a wonderful person, a very humble and generous encourager, let us also support him by voting and typing in "gratefulvibes" at the search box


(Photo credits: mam @sunnylife)

Other good witnesses to recommend:

@yabapmatt
@teamsteem
@bayanihan
@jerrybanfield
@hr1
@acidyo
@blocktrades
@curie
@cloh76.witness
@rcarter.witness
@reggaemuffin
@arcange

They need our support

Follow us on #gratefulvibes discord channel (positive and uplifting attitude)
https://discord.gg/7bvvJG


(logo created by @bloghound)

Sort:  

Mahirap talaga ang pinagdadaananmo kaibigan pero kaya mo yan sa tulong ng Diyos..
Tiwala lang sa kanya, tama isasama ka namin sa aming panalangin.

maraming salamat sa iyo, kaibigan. praying for you and your family too :-) God bless <3

Sige lang ilabas mo Yan baka Kung saan pa lumabas Yan baka mahimatay ka nga sa sarili mong toxic hehe..patawa lang
Konting tiis nlng kapit lang remember footprints in the sand...
Go go go!lang

salamat madam :-)

Shot en madama? Haha! Ayban ta ni pareng @fherdz ken no sino pay kayat na hehe!

bwahahahah alla met sir @leeart, shot tlga hahaha cge bottomless iced tea alud hahaha :-D

Wen umanay dijan kanyak. Kanyayo ngay? hahaha! @shirleynpenalosa

Awww mahirap nga yan talaga, kapit lang po palagi s Diyos yun lang talaga. :D

Thank you po @artgirl :-) God bless :-) <3

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60268.51
ETH 3201.96
USDT 1.00
SBD 2.43