Ilaw Ng Pagkakakilanlan At Tagumpay

in #pilipinas6 years ago

Nanahan sa aking isipan, ang apat na sulok na aking kinabibilangan,
Minsan mabigat, dulot ng aking mga pasan,
Pero gumagaan sa tulong ng pagsuporta ng karamihan,
"ILAW NG PAGKAKAKILANLAN AT TAGUMPAY", hangad kong kamtan.

Labing-anim na ilaw ang aalab sa aming pananampalataya,
Sa pagtutuklas ng mga naisin sa buhay, kami'y malaya,
'Di kailan man inintindi ang talak ng karamihan sa masa,
Balang araw, kanila'y makikita, pag kami'y nakakuha ng mataas na marka.

Paano niyo bibigyang kahulugan ang rurok ng tagumpay?
Kung sa pakikipagtalakan sa walang kwenta, kayo'y sanay na sanay,
Atin nang tigilan ang mga walang saysay na bagay,
Upang may ipagmalaki kay inay at itay.

May pangarap ba ang bawat isa sa inyo?
O kapag mahirap na saka kayo hihinto?
Bak mamaya, makita ko nalang kayo sa kanto,
Namamalimos, nagbabahagi ng isang mapait na kwento.

Kaya ngayon pa lang, ito'y pag-isipan mo na,
Integridad at paninindigan ang iyong sandata,
TAYO! Oo tayo ang magpapabago ng ating bansa,
Laban sa sistemang nakagisnan at pagsasamantala.

ff.jpg

89.png

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 61852.61
ETH 3084.08
USDT 1.00
SBD 3.83