Bakit Masaya Maging Pinoy?

in #pilipinas6 years ago

Alam naman nating lahat na tayong mga pinoy ay may mga ugaling hindi kanais nais. Pero isantabi muna natin iyon at pag usapan natin ang mga magagandang kaugalian nating mga noypi. Bakit masaya maging Pinoy? Masaya maging pinoy:

  1. Dahil tayo ay maasikaso sa mga bisita. Nakilala tayo sa ating pagiging 'hospitable'.

  2. Tayo ay magalang. May sarili tayong pamamaraan ng pagiging magalang sa mga nakakatanda sa atin at iyon ay ang paggamit ng po at opo.

  3. Madiskarte sa buhay. Kahit ano mang hirap ay nalalampasan. Magaling tayong gumawa ng paraan sa mga bagay-bagay,malaki man o maliit.

  4. Pinahahalagahan ang pamilya. Maging marami man o konti ang miyembro ng bawat pamilyang Pilipino, masaya at nagmamahalan tayo. Inaaruga ang bawat isang miyembro ng pamilya. May oras sa para sa trabaho at sa gawaing bahay ngunit may natitira pa ring oras para sa isa't-isa. at

  5. Tayo ay bansa ng mga masayahin. Nananatili tayong positibo sa buhay kahit na anumang unos o problema ang dumating o kaharapin natin. Wag mahiyang ipagmalaki na tayo ay Pinoy.

ff.jpg

89.png

Sort:  

Tama mga katangian ng mga Pinoy. God Bless mam.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 60693.34
ETH 3032.06
USDT 1.00
SBD 3.81