Ang Mahiwagang Hopia

in #pilipinas7 years ago

image

ABA, oo naman, masarap ang hopia. Masarap na masarap lalo na 'pag libre. Mas masarap lalo na 'pag hawak mo na, feeling mo sa'yung-sayo na, pwedeng-pwede mo ng kainin. Aya'n na, kakagatin mo na. *Hmmm... * heaven ang lasa, napapapikit ka na. Nakapag-decide ka na ayaw mong kumagat lang. Gusto mong kainin iyon ng buo. Kaya bumwelo ka na at isusubo na ang hopia. Papalapit na ng papalapit sa bibig mo. Aya'n na, konti na lang, konting-konti na lang. Kaso, nagulat ka na lang nang ma-realize mong hangin na lang pala ang isinubo mo sa bibig mo. May umagaw ng hopia, may ibang kumain ng buo. Hindi raw pala para sa'yo ang buong piraso ng hopia. Pinakagat ka lang nang isang beses, pinatikim, pina-experience. In short pinaasa ka, bes.

Aminin mo, minsan sa buhay mo ay humopia ka. Baka nga hindi lang minsan, eh.

Humopia kang ikaw ang mananalo sa contest na sinalihan mo sa school kasi ilang linggo mong pinaghandaan 'yon. Kaso, mas bet ng isa sa mga judges ang anak ng kaibigan niya na kasali rin sa contest.

Humopia kang maghahakot ka ng medalya sa graduation day kasi nag-aral ka naman ng mabuti. Kaso, iba pala ang kapangyarihan at kamandag ng mga sipsip, kaya sa huli, talbog pa rin ang beauty mo. Hindi 'to nag-a-apply sa lahat, para klaro lang. Pero aminin mo, nangyayari 'to.

Humopia kang matatanggap ka sa pinag-apply-an mong trabaho kasi ginalingan mo sa interview. Resume mo pa lang, pak na pak na, kulang na lang isulat mo ang buong talambuhay mo do'n. Kaso, kulang pa rin pala. Hindi ka pa rin pala nakapasa sa qualifications nila.

Humopia kang magkakagusto sa'yo ang ultimate crush mo kaso mas trip pala niya ang mala-beauty queen sa ganda mong bestfriend.

Humopia kang magkakabalikan kayo ng ex mo na mahal na mahal mo pa rin kasi bigla s'yang nag-text. Iyon pala, nangangati lang, gustong magpakamot (if you know what I mean).

Sa daming beses mong humopia, halos pwede ka ng magpatayo ng hopia store. Good idea, 'di ba? Baka pwede mong pagkakitaan ang katangahan mo, baka yumaman ka pa.

But on a serious note, bakit ka nga ba humuhopia kahit minsan mas maliwanag pa sa sikat ng araw na wala ka namang dapat hopia-an?

Bakit kapit ka ng kapit kahit wala ka namang makakapitan?

Bakit asa ka ng asa kahit nagmumukha ka ng asado?

Bakit ayaw mong tumigil sa kakahabol kahit nagmumukha ka ng asong ulol?

Bakit ayaw mong mapagod sa kakahintay kahit nagmimistula ka ng waiting shed?

Kasi nagmamahal ka. Kasi ang sabi ng puso mo, i-push mo 'yan, bes! Pag mahal mo, ipaglaban mo. Be a warrior of love! Kasi naniniwala kang 'pag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan. Sabi nga nila, love and pain are inseparable. Palagi silang magkasama. Kung sa paninda, package deal ang dalawang 'yan. Hindi mo pwedeng tanggihan ang isa at tanggapin nama ang isa. You have to accept and embrace both of them. Kaya kung feeling mo ang tanga-tanga mo na, *don't worry bes, * normal ka. Hindi lang ikaw ang nagpakatanga at patuloy na nagpapakatanga sa mundong ito. Hindi ka nag-iisa na paboritong hobby ang kumain ng napakaraming *hopia. *

Pangit pakinggan ang salitang tanga pero wala eh, wala kang choice. Pinasok mo 'yan. Panindigan mo. At habang pinapanindigan mo ang pinasok mo, humanap ka ng paraan kung paano ka makakalabas. Teka, wait, ano daw? Nag-mi-make sense pa ba ako? Ewan. Basta ang sabi nila, okay lang daw magpakatanga, 'wag mo lang araw-arawin. Mahiya ka naman sa sarili mo.

Bakit ko nga ba isinulat 'to? Gusto ko bang humugot? Nope. Gusto ko bang mag-share ng words of wisdom? Hindi rin, pero kung feeling n'yo may matututunan kayo dito, thank you and you're welcome. So, bakit ko nga 'to isinulat? Ewan. Trip ko lang. Napaka-random lang talaga, naisip ko lang bigla. At minsan, sa mga trip-trip tayo nakakagawa ng mga makabuluhang bagay na hindi natin inakalang makakagawa pala ng malaking impact.

Ito ang simula ng kwento ng tambayan ng mga taong paboritong pagkain ang hopia. Dito nag-uumpisa ang kwentong puno ng saya, pag-ibig, sakit at pag-asa. Abangan mo sana ang unang pagkagat natin ng hopia sa susunod na parte nito.

Ito ang kwentong isinulat para sa mga humopia, patuloy na humuhopia at hohopia pa lang in the near future. Para sa mga nasaktan kasi muntik ng naging sila, naiwang luhaan kasi akala n'ya lang pala at mga sinungaling na nagsasabing ayoko ng magmahal! pero sa huli, nagbabago ang isip at napapa-sige na nga, susubukan ko ulit! Last na 'to! Para sa mga pusong wasak na ginawang bestfriend ang alak. Para sa mga pusong gutay-gutay na pero patuloy pa ring nagpapakatanga, este, nagmamahal.

Tatanga-tanga ka rin ba? Humopia o humu-hopia pa rin?

Kung oo, para sa'yo 'to.
Handa ka na ba?

Sort:  

Oo tanga-tanga talaga eh. Humohopia parin na magkakakami. Lol

Nindot kaayo mund! 😍😍

Tbh, i smell another star! Hehe

Hehe may mga paasa talaga kasi may umaasa. :D :D :D

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.18
JST 0.032
BTC 88358.62
ETH 3275.22
USDT 1.00
SBD 3.02