Unli Sumbat
February 2015 ko unang narinig yung sumbat nya sa akin. Ang sama talaga sa pakiramdam dude. Imagine, 2017 na ngayon ganun pa rin. At lalong sumasama sa pakiramdam talaga kase sasabog ka na. Masokista ba? Oh sadyang kailangan lang talaga kumapit? Isa kang patalim na patuloy na humihiwa sa pagkatao ko. Isang kang malaking tinik na pilit bumabaon sa puso ko. Tangina, bakit ba hindi ako makaalis? Ano ba dahilan... pera? o kasunduan ng kasal? Ano ba ang halaga ng kasal? Hindi ko na alam.
Ang alam ko lang, dapat pareho kayo masaya, pareho kayo nagkakaisa, pareho kayo ng goal. Ikaw at ako? Pinagtagpo? Siguro, pero para matuto ng leksyon.
Malinaw na sa isip kong kaya ko na mag-isa. Mahirap lalo na at nasa abroad ako pero financially kaya ko na siguro. Tipid na lang ang solusyon para makaraos sa araw-araw. Ang mahalaga maging malaya ako sa mapang-api mong salita. Malamang galit lang sya kaya nasasabi nya lahat iyon pero, p're, may mga salitang hindi ko na mawaglit sa aking isipan. Nandun na, nakatambay. Kaya paulit-ulit kong naririnig ang mga kataga.
Malungkot mag-isa lalo na't pasko. Pero mas malungkot siguro makita yung sarili kong nakakulong sa kabiguan. Ok lang maging single ang importante, malaya. Malaya sa sumbat mong unlimited.
Wala akong masusumbat sayo kase good provider ka. Pero bilang haligi ng tahanan lahat ba iyon ililista nya? Kung sabagay wala kase kaming anak kaya lahat madiling bitawan. Ok dude, gets ko na.
So pano yan, wala talagang forever? Sabi ko nga ikaw na yung "last man" ng buhay ko. May anak naman na ako kaya ok na ako dun. Sa kanya ko na itutuon ang buong sarili ko. Sa kanya wala akong sumbat. Sa kanya may halaga ako.
Higit sa lahat hindi naman talaga ako mag-iisa, dahil sa pag-alis ko bitbit ko ang tatlo kong pusa.
Hindi pa din alone..... yun ang mahalaga.
Nalungkot ako sa post mo. I hope you are ok.
ako din. sana nga. =(