Iced-Candy Lang Masaya Na Kami Hehehe

in #pilipinas6 years ago (edited)

Ako nga po pala si Kristina Yu. Isang nanay at tatay ng aking mga anak na ang panganay ay 10 taong gulang at ang nakababata nyang kapatid na 5 taong gulang.
Ako ay hiwalay sa aking dating asawa mga ilang taon na ang nakakalipas pero ako ay naging malakas dahil sa mga anak ko na palaging nandito sakin at nagbibigay ligaya.
Hindi ako masyado nakakapag Steemit dahil sa kahirapan na makahanap ng oras dahil kailangan kong magtrabaho bilang ng 10 oras kada araw at pag uwi ay dapat magpahinga dahil kinakailangan ng lakas ng resistensya ang full-time a trabaho ko. Ako ay isang helper sa isang karendirya na 400 pesos lamang ang aking kinikita sa isang araw. Ang pera na naiipon ko sa bawat araw ay napupunta lamang sa panggastos ng aking mga anak at ngaun na nalalapit na ang pag bayad ng kanilang tuition fee sa iskwelahan, kaingan kong kumayod ng kumayod at bigyan ang aking katawan ng lakas para makapagtrabaho at para makaipon ng pera para sa aking mga anak.

Ngaung araw ay nabigyan ako ng lakas galing sa aking bunsong anak ng dahil lamang sa Ice Candy. Ang sabi nya sakin ay, "Mama, naiinitan kaba? Gusto mo magpalamig?" Malambing nyang tanong sakin' at ang sagot ko naman ay "Oo, anak, sobrang init, ano bang dapat gawin para malamigan ang katawan ko at mga katawan nyo ng ate mo?"
Hnd nakasagot ang anak ko pero ang kanyang ginawa ay lumabas ng bahay saglit at sa hindi inaasahang bagay galing sa kanya, binigyan nya ako ng Iced-Candy at tumulo ang aking luha dahil sa kanyang kaidaran ay naisip ny iting gawin. Ang Iced-Candy na binigay nya sakin ay galing lamang sa kapit-bahay namin na ilang hakbang lng layo. Hindi na pinagbayad ang aking anak dahil sa katunayan ay wala naman sya ibabayad dahil wala syang pera hehehe.

30849710_456791661434860_1326542605_o.jpg

Ang sarap ng kain nya hehehe.

30849885_456790898101603_839797551_o.jpg

Nang alok pa sya eh meron din naman ako hehehe.

Nang dahil lamang sa Iced-Candy ay nadagdagan ang aking lakas na kumilos at binigyan din ako ng lakas ng loob na lumaban para sa buhay na aking dapat pagtuusan ng lakas at sipag para sa aking mga anak.

Maraming salamat sa pag basa ng aking maikling kwento ngaung araw. Mabuhay po kayong lahat!

Bigyan mo natin ng suporta ang grupo na buong pusong tumulong sakin sa magsulat at mai share dito sa Steemit. Yun ay walang iba kundi si @michaelcabiles at ang grupo namin na @sawasdeethailand. Bigyan din natin ng supporta ang mga ibang myembro nito na sila @rigaronib, bobiecayao, @wagun001, @thidaratapple, @iyanpol12, @wondersofnature at ang kanyang @resteemvote, @fieon at @hannanuh

At wag po natin kalimutan na iboto si @surpassinggoogle bilang isang witness na ang kanyang pangalan na ginagamit para maiboto ay "steemgigs". Maraming salamat po sa inyong lahat.

Sort:  

Hehehe. Kaw talga baka isipin ng iba pinilit kita! Hahahah! Galing ng bunso mo, buti naisipan ka pang bigyan eh noh. hehehe. Happy ako sa inyong tatlo! :D

Hehehe. Salamat po!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43