Bahagyang Solusyon sa Pagboto sa Sarili

in #pilipinas7 years ago (edited)

Ito po ay orihinal na komposisyon ni @stellabelle, isinalin para sa kapakanan ng mga Pilipino

Bahagyang Solusyon sa Pagboto sa Sarili

BlogPostImage
Image Source

Ako ay nagbabasa ng maraming mga artikolo tungkol sa mga taong bumuboto ng kanilang sariling mga komento sa isang kalabisan na antas pagkatapos ng HF19. Ang bawat isa ay mayroong iba't ibang perspektibo sa pagboto sa sarili, ngunit sa palagay ko maaari nating sang-ayonan lahat na kapag ang isang tao ay bumuboto sa kanyang walang kwentang komento araw-araw ay isang kahangalan at nagpapatunay lamang kung gaano ka baba ng kanyang reputasyon. Ano kaya ang magiging kalalabasan sa isang sistemang sosyal kung lahat tayo ay uupo lamang sa isang tabi at boboto ng boboto sa ating sarili komento buong araw? Yan po ay isang malaking bangungot.

BlogPostImage
Image Source

Napakaraming sulosyon ang makikita natin sa buong komunidad, subalit ako ay may mungkahing kakaiba:

Simulang huwag nang sundan at talikuran ang mga taong umaabuso sa pansariling pagboboto.

Sa ngayon ibat-ibang pakahulugan ang naglabasan patungkol sa pagboto sa sarili. Para sa akin, binoboto ko ang lahat ng aking mga artikulo sapagkat wala po akong nakikitang masama don. Subalit, hindi ko binoboto ang sarili kong mga komento (hangga't walang abusadong nag da-downvote sa akin, na bihirang mangyari). Sa aking palagay, kung ang isang tao ay patuloy na bumuboto sa kanyang mababang uring komento, inaabuso nila ang sistema.

Tayong lahat ay may kalayaang mamili kung sino ang ating papansinin at kung sino ang hindi kikibuin.

Pwede mong simulang huwag nang sundan ang mga umaabuso, sapagkat sa pagkaalam ko, ang strukturang ito ay hindi ginawa upang iboto ang kanilang bobong komento araw-araw. Huwag ng sundan at talikuran ang mga abusado, gaya ng ating ginagawa sa totong buhay. Yan ang solusyon na pwede nating gawin ngayon. Ang pagboboto sa sariling artikulo ay isang malusog na paraan sa pagmamahal sa sarili at may malaking pagkakaiba sa pagboboto sa isang bobong komento ng maraming ulit. Sa tingin ko, kahit sinong may maayos na pag-iisip ay sasang-ayon sa pahayag kong ito.

Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng STEEM?

BlogPostImage
Image Source

Ang sinag ng liwanag hindi pumupunta sa isang tabi at boboto sa kanilang walang kwentang komento araw-araw.
Isang bagay na mahalaga sa 'yo. Nanggagaling sa salitang, esteem. Repasuhin natin ang salitang ito:

paggalang at paghanga, kadalasan sa isang tao.
"siya ay binigyang gantimpala ng kanyang mga kasamahan"
mga kasingkahulugan: paggalang, paghanga, pagbunyi, 
pag-apruba, pagpapahalaga, pabor, pagkilala, karangalan


Pansinin ang isang mahalagang bagay sa pakahulugang ito, ito ay nagsasaad kung ano ang pakiramdam ng isang tao sa kapwa niya. Hindi sinasabi kung ano ang pakiramdam ng isang tao sa sarili niya. Ito ay mahalaga sa pag-intindi kung sa anong paraan gumagana ang STEEMIT.

Sige, andito tayo sa liwanag ng kasakiman. Ang pagkakaroon ng balanse ay mahalaga sa maayos na takbo ng komunidad. Anong klaseng komunidad ang nais nating maitayo sa STEEMIT?

Sa mga minnows, kung kayo ay umanib sa steemit upang maghanap ng madaliang yaman, mabibigo lang kayo at malamang hindi kayo tatagal at titigil kayo. Ang mga natira, ay ang mga nagbigay ng panahon para basahin ang "puting papel" at intindihin kung anong ibig sabihin ng "Mutual Aide Society" "Komunidad ng Ugnayang Tulong."

Sa pagsali mo sa "komunidad ng ugnayang tulong" sa pamamagitan ng pagbigay suporta sa miyembro nito, sumali ka sa isang komunidad ng siyang tutulong sayo sa panahong higit na kailangan mo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga di-inaasahan at di-karapat-dapat na pasanin sa buhay, magkakaroon ng katahimikan ang mga miyembro ng komunidad.

Pwede tayong gumawa ng isang magandang lugar sa internet, o di kaya ng isang wala kwenta pook.

Nasa atin ang pasya.
Mamili ng maayos o harapin ang panganib ng di-mapansin.

P.S. Solusyunan ang problema na nakakaapekto sa milyon-milyong tao at di muna poproblemahin ang kumeta ng pera. Solusyonan ang problemang nakakapekto sa isang tao (ikaw) at ikaw ay magtatanggal ng sarili mong galis.

Salamat kay @aggroed, mayroon na tayong listahan ng mga may sala na pwede nating simulang hindi sundan at iwasan.

BlogPostImage
Image Source

Sort:  

honestly, nasubukan ko ang pagboto sa aking mga komento sa ilan sa aking mga posts. nung una medyo masaya ako dahil pwede pala akong kumita sa pagboto ng aking sariling komento. kalaunan, napansin ko na naging "gahaman" ako at kahit walang kwentang kumento ko aking binoboto. pero napag isip isip ko, kung ganito lahat ang mangyayari, wala ng kwenta ang contents ng Steemit.

Kaya itinigil ko ang pagboto sa aking kumento. Pero patuloy kung binoboto ang sariling post ko. Unang-una, inilagay ang ganitong feature dahil ang Steemit designers ay may kaukulang rationale kung bakit ganito.

Pangalawa, ipinapakita na ako mismo, ang author ng post, ay may tiwala sa mga sinulat ko. Hindi ko ito iniisip na "nagbubuhat ng sariling bangko" bagkus nagpapakita na ang post ko ay may halaga at kaaya-ayang basahin.

May pagkakataon na binoboto ko ang sarili kung kumento upang ito ay malagay sa pinakamataas na posisyon ng comments section. Ginagawa ko ito lalo na pag ang kumento ko ay isang instruction patungkol sa post na ginawa ko. pero hanggang dun na lang.

Ang self-voting ay isang double-edged sword. pwede talaga itong abusuhin or gamitin ng tama, sa tamang dahilan at paraan.

Tama ka dyan @cjclaro. Maraming salamat sa iyong komento.

salamat @juvyjabian. nawa magamit ang feature na ito sa tamang paraan.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62205.55
ETH 2397.85
USDT 1.00
SBD 2.50