Liham para sa Kapwa ko Pilipino (A Letter to my Fellow Filipinos)

in #pilipinas7 years ago (edited)

Nawa'y iyong mabatid ang Liham na ito,

Steemit Letter.png

Kabayan, kamusta? Sana nasa mabuting lagay ka, at kung hindi man, ipagdarasal kita na sana maging mabuti ang iyong lagay. Kung meron, ano ba ang problema? Hindi man kita matulungan sa lahat ng bagay, pero nais kong ibahagi ang biyayang natamasa ko ngayon. Isang biyayang mararanasan ng lahat kung maging malawak ang iyong pagtanggap.

Batid at alam kong mahilig ka sa Facebook, Instagram, at Twitter. Ang mga sulat, larawan, at lahat ng mga ginagawa mo ay may kahalagahan. Pero paanong kung maging mas mahalaga pa ito? Dederetsuhin na kita, kumita ka ba sa mga sulat at larawan mo sa mga social media sites na yan? Hindi, sila ang kumikita sayo. Isang napakagahaman na sistema na umiiral sa mundong ito.

Subukan mo sa Steemit. Ang mga sulat, larawan, ideya, guhit, pinta, at iba pa ay mahalaga dito - OO, kikita ka dito kabayan. Ito ang gusto kong ipabatid sa'yo gamit ang liham na ito. Mahalaga ang isang taong tulad mo, ang meron sa kaloob-looban mo. Napakaraming biyaya na ang naibigay sa akin ng Steemit, sana payagan mo akong ipahayag ang karanasan at ang pagsasalamat ko dahil sa Steemit - at gusto kong maranasan mo din yun.

Dati rati, noong simula ng Ika-apat na taon ko sa kolehiyo, isa akong Full-time Call Center Agent at isang Full-time regular student. Oras ng trabaho ko 11p.m. - 8:00 a.m. at ang pasok ko 10:30 a.m. - 5:00 pm. Isang nakamamatay na gawain. Napakamiserable ng buhay ko nun, pero pinilit ko para lang mairaos ang ika-apat na taon sa Kolehiyo. Pero dahil sa Steemit (totoong tesimonya ito), tumigil na ako sa pagtratrabaho bilang isang "Customer Service Representative" at naging full-load estudyante nalang.

Alam mo kung bakit? - NANG DAHIL SA STEEMIT. Isipin mo, magisip ka lang nga mga nasa isip mo - maiisip mong magkakapera kanpera kana. At isipin mo, dolyar ang gantimpala. Isa itong napakalaking biyaya sa aking buhay. Biyayang napakalaki at nagpabago sa aking buhay.

Hindi kita mapipilit sumali, pero sana maisip mo ang mga bagay na ito :

  • Libreng sumali, magregister ka lang at wala kang magagastos kahit piso.
  • Libre kang magpahayag. Magsulat ka ng kahit ano - tula, kanta, sayaw, mga sulat mo, iyong mga lakbay, anong sinuot mo o kahit anong kinain mo kaninang umaga. Walang bawal, wag ka lang magnakaw o kumopya ng mga gawa ng iba.
  • Kikita ka. Maniwala ka man o sa hindi, malaking tulong na ang naibigay ng Steemit sa akin at sa amin. Kaya nga todo ang paghihikayat namin na mapalago ang komunidad dahil nakita namin ang potensyal at tulong ng Steemit para sa mga Pilipino.
  • Lumalago na ang ating komunidad - isang magandang indikasyon ng isang malaya at malusog na pakikibaka sa isa't isa. Tayong mga Pilipino na nakapagtaguyod ng isang magandang komunidad ay nagtutulungan para sa ikauunlad ng bawat isa.
  • Marami kang matututunan - dahil ang Steemit ay isang blogging website, ang mga sulat ng ibang miyembro ay napakalaking tulong sa pagbibigay impormasyon at makadagdag sa iyong kaalaman. Ibang iba talaga ang Steemit, maraming bagay ang naitutulong nito sa kanyang mga nasasakupan.

Maging isa ka sa amin kabayan. Sabay tayong uunlad para sa kinabukasan.

Lubos na nagmamahal,

@jassennessaj

Photocredit.

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by JassennessaJ from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.63 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Tama si jassen, maraming buhay na ang nabago dahil s steemit at isa n ako don. Hindi p huli ang lahat, bago p lang si steemit kaya may pagkakataon p tayong sumali at malasap ang biyayang dulot ni steemit.

Yaw na paglangan, apil na. LIBRE NI!!

Congratulations @jassennessaj! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Tinood jud. Adto ka sa fb ug twitter dili ka ka income. Pero dri mka income ka. Bag.o rku dri nag active and im still trying to figure my way around. But im sure maayo jud n nga site ba.

shared on fb, thank you for this Jassen! you are such an inspiration to many.

Upvoted!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 64359.49
ETH 2619.41
USDT 1.00
SBD 2.83