Kahirapan

in #pilipinas7 years ago (edited)


Isang kahig isang tuka ang sambit ng maralita
Pagkain sa araw-araw ang iniisip ng ama’t ina
Palahaw ng mga paslit na ang tiyan ay gutom na
Tipikal na pamilya sa sustansya ay salat nga.

Ito pa ang isa sa aking pinagtataka
Kay hirap na nga ng buhay ang anak ay lima pa
Hindi ba nila naisip ang panggatas ng mga bata
Kaya naman lumalaking sakitin at patpatin pa nga

Imbis na mag-aral, sa kalsada ay mga nakakura
Nanlilimos at nanghihingi ng awa sa iba
Naghihintay na may maglaglag ng munting barya
Upang may ilaman sa kumakalam na sikmura

Huwag nating idahilan ang kahirapan upang hadlangan ka
Hindi natin kasalanan kung pinanganak na mahirap pa sa daga
Ngunit kung sa pagtanda ay walang tayong ginawa
Karapat-dapat nga na tayo’y kaawaan ng madla.

rafal.png

Sort:  

Upvoted magaling ipag patuloy

maraming salamt kababayan <3

Masarap daw kasi gumawa ng anak kaya madami haha

aba talga naman si mam..hahaha

nice pic :-)

salamat po hanapin nyu ako dyan hahaha joke :)

this is a very nice poem. many people here in the Philippines are currently having that life. hope they will think of the consequences. some of them will use their children to beg for alms. If they will just work hard then they will have money. continue doing good poems.

Yes, pak ganern yung tula mo, so sad but true, a lot people in our community is being lik that, hindi nila inisip ang kahirapan, anak sila ng anak yung mga anak hindi magawang paaralin. Kawawa naman😢

kasi pinoy sir... 😊 galing po

Mahusay... Maganda... Galing sa puso...

Dahil sa tayo ay kumikita ng libre, bumuo kayo sa inyong lugar ng kumunidad upang makatulong sa kapwa. Kahit magpakain kayo ng libreng lugaw sa umaga ay napakalaking bagay na sa lahat...

Makakapagpasaya na kayo ng kapwa tao... Isang beses sa isang linggo ay sapat na! (^^) Kawang gawa ang tawag dyan kaugnay ang BAYANIHAN! (^^)

Salamt sir kenny tayo ay iisang pilipino tayo ay mag bayanihan tumulong sa kapwa i angat ang kapwa pilipino isa ka magandang halimbawa na isang mabuting pilipino sir kenny :) Mabuhay!

true yun sir., Pangarap ko magpa lugaw, pwede sa school hehe , joke ng asawa ko, tatakbo daw ba ako sa susunod na eleksyon..

dahil jan, me chismis ako, =) yung kapitbahay namin, andame niya anak. Tapos may mga dalaga at binata na siyang anak, nagtatrabaho na. At ang bunso naman niya ay nasa tatlo o apat na taon. Nalulong po siya sa utang. Nangungutang siya upang ipantakip sa nauna niyang utan, hanggang sa naisipan nalang niya magtago. Kasi araw araw may naniningil sa kanya, sa lending. Pero nagbalik din siya, kasi kawawa naman din mga anak niya. Nag aaral pa naman. Matalino yung isang anak niya, top 1 sa klase. Siempre po nakapangutang na din siya sa akin, 5 figures. Naawa po kasi ako kaya ko pinautang, inunti unti ako hanggang sa lumaki na. sa ngayon nag iisip padin ako nang paraan para makatulong sa kanya, hindi sa pinasyal na paraan.

mabuhay ka sir chito! sana maraming pilipino na katulad mo.

Kaya nga ei kung sino pa yung medyu salat sa buhay sila pa yung anak ng anak. :(

ang ganda ng ng mga linya, di natin kasalanan na ipinanganak tayong mahirap, pero may mali sa isang tao kong sya man ay mamatay na dukha.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 62213.63
ETH 2420.81
USDT 1.00
SBD 2.59