TO ALL GUYS OUT THERE

in #pilipinas7 years ago (edited)

Filipino time 🕘📖

"Ligaw"

images.jpeg
Source

Mga Par, Mga Brad, Mga Tol.

Ganito no? Pag nanliligaw tayo wag naman tayo mag-assume agad. Porket ba may care sya sayo gusto ka na agad? Pag tinanong mo sya ng "Kumain ka na ba?" at sumagot yan ng "Oo, ikaw ba?" Umaasa ka na kaagad sa ganyan? Porket ba nagre-reply sayo feel mo gusto ka na rin? Tapos mamadaliin mo pa, "Ano may pag-asa ba ako sayo?"

Payo ko lang, boys, ah. Wag na wag niyong tatanungin yung babae kung may pag-asa ka ba lalo na't kakasimula mo pa lang manligaw. Aba, kung gusto mo ng mabilisang sagot, ang isasagot sayo niyan ay wala kang pag-asa. Wag kasi magmadali, basta iparamdam mo lang sa kanya kung gaano mo sya kagusto. Lalambot din puso niyan, lahat ng bagay makukuha mo sa tamang oras. Tiis lang! Haha!

images (1).jpeg
Source

"Effort"

Mapunta naman tayo sa usapang EFFORT(All caps pra dama). Porket ba naggu-goodmorning ka sa kanya tuwing umaga, effort na? Porket ba naglo-long sweet message ka sa kanya, effort na? Okay, effort nga naman sa pag-type, no? Pero kulang pa yan, brad, hindi FB Messenger, text, or Line etc., ang basehan para masabing nage-effort ka sa kanya. Kayo, eh, lakas niyo magsabi ng "Ginawa ko na lahat ng best ko, nag-effort na ko pero kulang pa rin?" Lakas natin magsabi niyan pero hanggang FB Messenger lang naman. 😂😂

Brad, ang tunay na nage-effort sa papel nagsusulat ng mga sweet message para sa babaeng gusto mo. Sinasabi ko sayo, sobrang saya ng babae pag nakatanggap niya yan. Isa pa, brad, hindi lang Valentine's Day magbibigay ng bulaklak, ha? Nililigawan mo sya, di ba? So she deserve a bucket of Rose from yo. Ang romantic kasi pag ganon. Pero kung wala ka mang budget kahit yung plastic na Rose pwede na yan, maa-appreciate niya yan, promise. 😍

Okay lang sana kung araw-araw kayo magkasama, may posibilidad na ma-fall agad yan sayo. Pero paano kung minsan lang kayo magkita? Ikaw pa namimilit para magkita kayo? Swerte mo na non kung payag sya. Kaya bumawi ka, bigyan mo sya ng Rose and letters or chocolate, yung something na di niya makakalimutan. Idaan mo sya sa mga sweet things, malay mo ma-fall sya, di ba?

Para sakin, ganon yung gusto ng mga babae kaysa sa ibang bagay, mas sweet kasi. Napansin ko lang kasi sa panahon ngayon, iilan nalang yung lalaking nagbibigay ng Rose sa isang babae. Siguro bilang na lang tapos karamihan pa tuwing Valentine's lang nagbibigay. Akala niyo siguro tuwing Valentine's lang pwede magbigay ano? At isa pa pala, kasama ang effort sa pagsundo mo sa kanya araw-araw. Ang sweet non tapos may dala kang Rose. Ewan ko lang talaga kung di ka niya magustuhan non? Pero kung malayo man kayo sa isa't isa, bumawi ka na lang, puntahan mo sya. Kung di mo man alam ang bahay, pwede ka naman magpaturo sa kanya kung paano pumunta sa bahay nila, di ba? Hindi yung magpapasundo ka pa sa kanya, kesyo di mo alam papunta. Aba, brad, ikaw ang lalaki at nakakalimutan mo, nanliligaw ka kaya hindi niya obligasyon na sunduin ka. Nako, panigurado turn off yan sayo. 🤔

Pagdating naman sa hatidan, wag naman ganon, boys, porket di mo sya mahahatid bibigyan mo na ng pera, kesyo pamasahe? Aba, iba ang iisipin ng babae niyan, nakaka-offend yun para sa kanila. Turn off ka na sa kanya panigurado. 😒 At pagdating sa selosan, wag na wag mong sasabihin sa kanyang nagseselos ka. Matatawa lang yan sayo, aba, anong karapatan mong magselos, eh, wala namang kayo? 😂Nanliligaw ka pa lang, uy, unless may label na kayo? Kaso wala, kaya wala kang karapatan. 😛

Tsaka, porket ba nafi-feel mo na komportable na sya sayo, feel mo may pag-asa ka na? Brad, lahat pwede magbago lalo na kung may nagawa kang di niya nagustuhan, lahat nagbabago lalo na yung feelings. 😓

Kaya, mga brad, basahin niyo to. Kung di man kayo sagutin ng girl okay lang yan, wag niyo sabihang paasa kasi wala naman syang sinabi na umasa ka. Basta iparamdam niyo lang na gustung-gusto niyo talaga sya makuha. Hayaan mo, magbubunga rin ang lahat ng hirap mo. Mas masarap sa pakiramdam na yung
babaeng matagal mong pinage-effort-an ay nakuha mo na. Sobrang worth it nun. 😍😍

images (2).jpeg
Source

Good luck sa inyong lahat ng nanliligaw dyan at advance Happy Valentine's Day. 😁 Spread the love! ❤❤❤

Follow, Upvote, and Resteem

Follow me @dyamesuuu

Sort:  

Gusto agad pag-asa aba! Girlsssss, bigyan nyo ng pasencia biscuit hahhaha. Grabe relate ako dito dati. Nakaka-pressure sa mga girls kaya yan. Hindi naman inutusan ng babae ligawan sya diba. So dapat kung mag effort man kayong mga boys, ready kayo ano man ang sagot ng girls. Yan ang may malinis na intensyon. ✌

Tama, prang relate na relate ka ha? HAHAHA

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65726.71
ETH 2677.61
USDT 1.00
SBD 2.91