Sa Muling Pagbangon

in #pilipinas7 years ago

IMG_20170909_234306_128.jpg

Sa Muling Pagbangon

Nanghihina, nanlulumo,
Di alam kung saan tutungo;
Nagtatanong, nag-iisip,
May bukas pa kayang sasapit?

Matapos ang unos, hapis ang dulot,
Iniwan ay masidhing pagkalugmok!
Sa isang sulok hawak lamang ay lungkot.

Di inakala, ni sa hinagap ay wala,
Na sa pagbuhos ng ulan, hahagupit ay baha;
At sa isang iglap ang lahat ay nawala.

Ninanais mabuwal ngunit di ito tama,
Anomang pagsubok, pag-asa'y dapat di mawala;
Kapit lang at humawak at bukas ay may himala.

Sa paglingon doon bahay ay nawala,
Dinala ba naman ng tubig baha;
Bagyong pumaroon at pumarito,
Tiyak may dala at may mawawala.

Ngunit ang pag-asa'y malakas din pala,
Kakambal ng pagluha ay may sayang hatid pala;
Dito mo masusukat ang iyong gantimpala.

Pagdaan ng unos, at sa paghupa nito,
Masakit pagmasdan na lahat ay naglaho;
Buti na lamang pamilya ay buo.

Lilipas din ang hinagpis,
Mga gamit ay may kapalit;
Ngunit ang ligayang hatid ng pamilyang bigkis,
Ay di kayang pantayan ng mga gamit.

Sa muling pagbangon, sugat din ay maghihilom,
Panimulang buhay hatid ay makulay;
May bagong panimula at batid ay tuwa.

Sa muling pagbangon, Haharapin ang bagong dapit hapon;
At sa pagbubukang liwayway,
Sasalubunging puno ng kulay.

Panahon man ay lumipas,
At alalala ng kahapon ay bahagyang kukupas;
Ngunit ang paglingap ay di kailanman ay lilipas.

Sa muling pagtinding mula sa hagupit,
Paninindigan at pagtitiwala ay mas bumibigkis;
Na sa anomang dumating pagsubok at pagtitiis,
May Amang nasa langit at di matitiis.

Sa iyong pamumuhay darating at darating ang mga balakid,
At dito din masusukat ang iyong pananalig;
Hanggang saan, hanggang kailan,
Nasa Kaniya ikaw ay kakapit.

Sa bagong umaga na may bagong pag-asa,
Damhin mo at yakapin ang tagumpay na masaya;
Hindi Siya nagkukulang o nagpapabaya.

Sa muling pag-bangon dala-dala'y ligaya,
Na iyong matatamasa dahil nagtagumpay ka;
Di nadaig ng mga alalahanin,
Ngayon may tahanan at biyayang angkin.

Sinapit ang unos, bagyo at pag-subok,
Tunay mang nagdamdam ngunit tinaguyod;
Tunay na pagsunod ay di nilimot,
Uusbong na ang liwanag!
Sa Muling Pagbangon...

Sort:  

This post has been ranked within the top 50 most undervalued posts in the second half of Sep 09. We estimate that this post is undervalued by $23.57 as compared to a scenario in which every voter had an equal say.

See the full rankings and details in The Daily Tribune: Sep 09 - Part II. You can also read about some of our methodology, data analysis and technical details in our initial post.

If you are the author and would prefer not to receive these comments, simply reply "Stop" to this comment.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 56690.25
ETH 2380.35
USDT 1.00
SBD 2.33