Ang kwento ng mga BAYANI

in #pilipinas6 years ago (edited)

OFW-Bayani.jpg
Tayong mga Overseas Filipino Workers ang mga buhay na bayani sa makabagong panahon. Maging proud tayo na malaki ang naiaambang natin para umangat ang ekonomiya ng ating bansa. Ngunit bago ko ilathala ang kwento ng mga buhay na bayani ay nais ko lamang ikwento ang naging buhay ko simula pagkabata.

Naninirahan kami noon sa isang lugar na malayo sa kabayanan na kung saan simple at payak lang ang pamumuhay. Apat kaming magkakapatid at ako ang pangalawa. Bata pa lamang ako, alam ko na ang salitang hirap. Yun tipong papasok ka sa eskwelahan na piso o dalawang piso lang ang baon. May mabili ka ng kendi, labis na ang ngiti mo sa iyong labi kasi noong panahon na yun, mura pa ang bilihin hindi katulad ngayon. Kung may piso ka ay makakabili ka na ng 4 na kending max ito ay itatabi mo sa iyong bulsa at yun ang nakalagay s bibig mo maghapon. Uuwi ka ng bahay at kakain ka ng kamoteng luto ng lola. Sa isip ng isang bata, wala tayong pakialam kung mahirap man o hindi ang mga bagay bagay. Puro laro at pagpapakasaya lamang ang inaatupag paghapon kapag walang pasok. Nakikipaglaro sa mga kapit bahay ng tumbang preso, tagu-taguan at bahay-bahayan. Naranasan ko na rin ang magpalipat lipat ng bahay simula kinder hanggang high school. Yung tipong sa kalagitnaan ng taon kami maglilipat kaya nahihirapan akong makisabay sa mga nagiging bagong kaklase ko. Mahirap talaga kung wala kayong sariling bahay. kaya maliit palang pursigido na akona mag-aral ng mabuti. Habang lumalaki ako, unti-unti kong nakikita kung gano kasimple ang buhay namin. Nagpapasalamat pa rin ako sa Panginoon kasi nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ngunit habang namumulat ang kamalayan ko sa mga bagay sa mundo, naandun sa puso ko na magsumikap at makatulong sa magulang. Pagkagraduate ng high school ay hindi muna ako nakapag-aral sapagkat hindi kayang pagsabayin ng magulang ko na dalawa kami ni kuya sa kolehiyo. Kahit na ayaw kong tumigil sa pag-aaral wala akong magagawa. Nung sunod na taon ay nakapag umpisa na rin sa college. “yehey!” bulong ko. “Kapag nakatungtong na ako sa eskwelahan ay magiging madali na ang lahat” Yun lang ang akala ko. Umpisa palang pala ito ng aking journey bilang isang estudyante. Isang araw nalang bago ang exam ay wala pa rin akong pambayad sa tuiton! Paano na? nakikita ko sa mga mata nila na napapagod na sila ngunit pinagsusumikapan nila akong patapusin sa pag-aaral. Nararamdaman ko ang pagmamahal nila at pagsuporta sa akin bilang isang estudyante kaya sinuklian ko ito ng diploma pagkalipas ng apat na taon. “I’m proud of you anak!” sabi nila at may kislap sa mata na indikasyon ng pagluha. Sa wakas ay natapos na ang mahigit 20 taon na pagsuporta nila sa pag-aaral ko. Sa pagkakataong ito, ibabalik ko naman sa kanila ang kaginhawahan. Napadpad ako sa Manila sa paghahanap ng trabaho at pagkalipas ng tatlong taon ay nakaalis papauntang ibang bansa.

1010209_656595264377029_2043074053545613935_n.jpg
Naiiyak na talaga tatay ko! :)

Ito ang mga totoong kwento ng buhay namin.

Maraming mga OFW ngayon ang nasa ibat-ibang panig ng mundo. MULA sa 36,035 na manggagawang Pilipino noong 1975, nakarating sa higit sa isang milyon ang mga manggagawang nasa iba't ibang bansa noong 2006. Noong 2010, tinataya na naabot na ang bilang na 1.47 milyon o mas mataas ng 38.4% sa bilang noong 2006. Ayon sa National Statistics Coordination Board, noong 2011, lumago pa ng 15.4% ang mga manggagawa sa pagkakaroon ng 19.5% increase sa land-based workers at 2.5% sa mga magdaragat na hindi lamang seafarer o marino kundi mga tauhan sa mga cruise ships. Ang patuloy na pagdami ng mga manggagawang lumalabas ng bansa ay dahilan sa patuloy na pangangailangan ng iba't ibang kumpanya sa mga Pilipinong handang mangibang-bansa. Read More

'Nais kong ipakita sa mga kababayan natin kung paano ang pamumuhay ng mga OFW. Ang pagtitiis na malayo sa pamilya ay isang malaking hamon. Pagsusumikat at kung maaari pa ay pagdalawahin ang katawan upang makahanap ng sideline at dagdag na income. Ibat ibang aspeto ng buhay OFW ang nais kong ipakita.'

May mga workers na napapamahal sa kanilang amo/boss at tinuturing na pamilya. Isang halimbawa ko na dito ay ang kumpanyang pinapasukan ko. Hindi nila kami tinuturing na iba kahit na magkaiba ang paniniwala at kultura. Naandiyan na kahit hindi sila nag cecelebrate ng pasko ay may regalo pa rin sila sa amin. Bilang isang manggagawa, napakalaking bagay na naaappreciate ng boss ang iyong ginagawa. Ito ay patunay lamang na walang lahi,walang kulay o bansa ang mag-aaway away kung mayroon mabuting komunikasyon, pagkakaisa at pag-iibigan. Ito pa ang isang kwento ng OFW na napunta sa mga mabubuting kamay na amo.
Panoorin ang video.

Ang iba ay nagkakasakit sa sobrang pagtatrabaho. Itong videong ito ay kwento ng isang manggagawa sa dubai na nagkasakit ngunit hndi nagpatingin sa doctor. Uminom siya ng gamot at hindi niya inakala na magkakaroon ng allergic reaction ang kanyang balat.
Panoorin

Ito ang hindi maiiwasan, magpopost sa facebook na nakangiti pero sa totoo ay nadudurog na sa lungkot ang puso. Ang iba nasisira ang pamilya sapagkat magkalayo sa isat isa at nagiging malapit sa tukso. Meron din na pag alis mo sa pilipinas baby pa ang anak mo ngunit pagkabalik mo sa ating bayan, may baby na ang anak mo. Napanood mo na ba ang movie ni Ms. Vilma Santos at Ms. Claudine Baretto? Kung hindi pa, subukan mong panoorin para maunawaan mo kung ano ang nararamdaman ng isang magulang na OFW at isang anak na naiwan ng magulang. Nakakadurog ng puso ang mga ganitong pangyayari.

Sa kasamaang palad, meron din naming mga workers na hindi maganda ang mga nagiging karanasan sa ibang bansa. Marami ay hindi makauwi sapagkatan baon sa pagkakautang at hindi nila mabayaran. Ang iba ay minamaltrato at pinagmamalupitan. Tayong mga Pilipino ay sadyang mapagtiis na kahit pisikal o emosyunan man ay kakayanin natin para lamang sa ikabubuti ng buhay ng ating pamilya. Ang pinakamasaklap ay nagkakasala sa batas at pinapatawan ng kaparusahang kamatayan.
capital-punishment-1598x900.jpg

Kaya tayong mga kababayan, bago natin puntahan ang isang bansa o lugar ay alamin muna kung ano ang mga batas. Ito ay para rin sa kaligtasan natin.

Para sa mga kapwa workers matututo tayong mag ipon upang sa pagbalik natin sa ating bayan ay hindi tayo mahihirapan. Maging wais! Habang nasa abroad pa, magpundar na ng bahay at negosyo na magiging pagkakakitaan natin kung tayo ay uuwi na.
Bago ko tapusin amg artikulong ito, nais ko lamang sabihin na kaming mga OFW ay tao rin na naghahanap ng kalinga ng magulang, kapatid at anak. Makita lang na meron pagpapahalaga sa paghihirap naming ay masaya na kami. Isang Salamat lang ay matutuwa na ang aming mga puso.

Dapat nating pahalagahan ang kabayanihan ng mga OFW na nagtitiis sa ibang bansa upang matulungan ang pamilya.

Maraming salamat sa pagbabasa. Pagpalain tayong lahat ng DIYOS.


Salamat sa mga taga suporta ng @steemitfamilyph at sa aming delegators @ediah @maverickinvictus @jon24jon24 @jh3n @klborillo @tpkidkai @jamesanity06 @gheghenrv @khenbee


received_1893861467291267.png

Sort:  

The @OriginalWorks bot has determined this post by @charmsantos to be original material and upvoted it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

Please note that this is a BETA version. Feel free to leave a reply if you feel this is an error to help improve accuracy.

Wow. Steemitfamilyph resteem this? Nakakagalak .😊 im so happy..

Thank you s pagbabasa kuya mav. 😊

Exceptional post, relate na relate! All hardworks soon be paid off ate. 🙂 Keep steeming!

Relate much? hehe. Thanks s inyo te. S group nten. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66697.56
ETH 3490.05
USDT 1.00
SBD 3.17