Magandang Umaga

in #pilipinas6 years ago (edited)

image

Kay ganda ng umaga sa iyong simpleng tawa. Nagpapagaan ng mqbigat kong dinadala. Ikaw ang nagdadala ng pag-asa sa bawat umaga.

Sa lahat ng oras na ikaw ay makulit. Lagi kong naiisip na ang saya-saya pag kasama kita. Kahit ka pa nagpapasaway wala yun problema. Dahil mahal kita.

Sana sa pagdaan ng mga araw ikaw ay patuloy na maging malambing. Sana ikaw ay di magbago sa pagtrato sa akin. Ako ang iyong tito na sobrang kulit din.

Masaya ako na ikaw ay aking pamangkin. Kahit pa anong mangyari ikaw ay aking ipagtatanggol sa mga nang-aapi saiyo. Ako ay laging narito sa kahit na anong oras dadamayan kita.

Aking pamangkin sana ay maging maayos paglaki mo. Magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Para rin sa iyong magandang umaga. Huwag kang mawawalan ng pag-asa sa kahit na anong mangyari. Lagi kang magpakatatag para saiyong sarili. Malalampasan mo rin ang lahat ng mga pagsubok.

Ipagdasal lang lagi sa Poong Maykapal. Ikaw ay hindi Niya iiwan. Bagkus ay Kanyang gagabayan. Upang ikaw ay maging mabuti. Laging mong tatandaan mahal na mahal ka namin.

That's all for now. Until next time. I promise to be here in Steemit more often.

God bless to all.

Yours truly,

@betbet

Sort:  

Kahusay Ashley. 😀💖

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 62264.03
ETH 2431.11
USDT 1.00
SBD 2.50