Ang Nakaraan

in philippines •  2 years ago 

walang makapagdidikta
kung gaano ako kasaya
sa tuwing mumulat ang aking mga mata sa umaga
dahil alam kong nanjan ka para salubungin ako ng “magandang umaga, alicia!”

ngunit hindi nagtagal,
nagbago ang pag ikot ng mundo
na para bang nakalimutan mo na ako
masakit man sa parte ko
pero sabi ng puso at isip ko
na pwede pa namang balikan mo ako

ikaw lang ang nagpapasaya sa aking gabi at umaga
tingin ko, masyado na akong tanga para magmakaawa
pero wala na akong magagawa dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita

hindi pa ako handa
na makita kang masaya
kapiling ang iba
at malaman na
hindi na ako ang nagpapangiti at nagpapaligaya
sa iyo na nagpangiti at nagpaligaya sa tulad kong isang tanga
para sa taong walang kwenta pala

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang sakit bes. Kung sino ka man na nagpaluha sa karakter ng tulang ito galit ako sa iyo hindi tayo bati! Pero salamat nadin kasi may inspirasyon si @yagurlali para sa isang tula.

Lubos ko po itong naibigan 😍 😍

hahahahha kinilig ako sa comment na to