Tagalog Serye: Huling Yugto - Mula sa Ikalawang Pangkat

in #philippines6 years ago

Dahan-dahan silang kumilos upang mailabas na muna ang babae sa lugar at para na rin sa kaligtasan nito. Ngunit biglang nagising ang lalaking nakatulog at natanaw sila!


Kabado ang dalawa, naglakad sila na parang walang nangyari. Sinabihan siya ng dalaga na malabo ang mata ng bantay at siya daw ang pinaka mahinang mag-isip kaya't hindi sila mapapansin nito.

Naniwala naman si Leo, marahan nilang binagtas ang daan palabas sa pintuan ,ngunit bago sya makalabas gamit ang dental floss kinidkid niya ang mga ito sa magkabilang kamay mga isang pulgada ang pagitan mula sa kaliwa at kanan at isinakal sa bantay. Maya-maya pa ay sya'y nawalan na ng buhay.

Mas dama nya na mas ligtas sya kay Leo kaysa sa ibang tao sa gusaling iyon ngunit dama niya na malamig ang mga mata ng binata. Sa lamesa ng bagong kamamatay palang na tao, kinuha ng dalaga na nagpakilalang si Karen ang isang susi na gawa sa diyamante wala siyang malay kung paano ito gagamitin ngunit dahil sa ito ay gawa sa ginto naisip niyang may pakinabang. Nagbihis din siya gamit ang damit ng bangkay.

Nilibot nila ang silid at dito napagtanto ng dalawa ang gusaling iyon ay ang lugar kung saan dina disect ang mga katawan ng tao upang pag-aral at ang magagandang klase naman ay ililipat sa ibang tao.

Ngunit bakit panay babae lamang ang kanilang biktima?

Unti-unting nakaramdam ng antok si Leo sa di mawaring dahilan.. pakiramdam niya ay gawa na ito ng kanyang walang tulog simula noon. Naghanap sila ng isang tahimik na pwesto at doon sinabi niyang kailangan niyang magpahinga na sinang-ayunan naman ni Karen.

Kumakalam ang sikmura ng dalaga dahil sa ilang araw na walang kain. Nahihiya man ay nagtanong narin siya kung may makakain at sakto namang mayroong biskwit si Leo. Hinalughog niya ang kaniyang bag at nakuha rito ang biskwit at ang music box na laging pinatutugtog ni Isabel noon.

Ayan ang salarin!

Takot na takot na wika ni Karen habang turo-turo ang music box na nilabas ni Leo

Paano magiging salarin ito? Hamak na music box lang ito pamana ng aming mga magulang. - ani niya

Napatugtog mo na ba iyan? o nabuksan? - masusing tanong ng dalaga

Hindi pa at hindi ko gagawin ito nalang ang tanging koneksyon ko sa aking yumaong kapatd

Inis man siya sa pinagsasabi ni Karen ay nakinig siya sa kwento nito.

Ganito kasi iyan

Unti-unting lumapit si Karen kay Leo ngunit agad nya itong sinuway at nagbuo ng isang linya na naghihiwalay sa kanila.

Sige magkwento ka

Dito ipinaliwanag niya ang tungkol sa music box. Ang music box na ito ay likha ng mga Griyego at ang gamit na ito ay parang pang hipnotismo. Isang kasangkapan ni Hades ang diyos ng kamatayan. Ang makakarinig sa tugtog nito ay mahihipnotismo at magkakaroon ng sukdulang lakas. Ngunit para mas mapalakas ang kaniyang kapangyarihan ay kailangan mag-alay ng magandang babae at birhen . Ang hawak nila ay ang hindi orihinal na bersyon kaya nangangailangan sila ng mga alay.

Ibig sabihin ang aking kapatid ay naging alay dito sa musical box? Kasi maganda sya? Sabi na! Kahit ang mga diyos ay naniniwala na maganda siya

Pwedeng patingin ng larawan niya? Baka nakita ko na siya matagal na akong nagtatrabaho sa kanila pero dahil sa di ko kinakaya na talaga ako ay tumiwalag na

Agad ipinakita ni Leo ang larawan ni Isabel kay Karen

AH...... HHm..... Ikinalulungkot ko napili siya kasi siya lang ang birhen dun sa batch nila. Mas ninais ng music box ang birhen kaysa sa ganda.

$%@#^@^@ pati ba naman ang mga gamit racist! O sya paano natin matatapos ang istoryang ito?

Unang-una magpahinga ka ng bahagya pagkatapos pa planuhin natin ang pagtakas at pagpapatumba sa big boss.

Umidlip sila ng mga bandang 15 minuto siguro at doon nagpakita si Isabel muli sa panaginip ni Leo.

Isabel: Kakambal ko sa wakas nagkita na tayo

Leo: Oo ikinalulungkot ko ang balitang nangyari sa iyo. Namatay ka at higit sa lahat namatay kang alam mo na.

Isabel: Kuya hayaan mo na maiksi lang ang airtime ko. Ganito mo mapapatay ang kontrabida dito. Matalino ka at siya naman bomplanks! Kaya gamitin mo ang utak mo., ang kahinaan nya ay nasa ulo AT wag mong sirain ang music box. Maraming espiritung naialay na dyan tsaka original quality yan! Yung kay big boss class A sa divisoria lang nabili.

Leo : Pero kambal ano nga ang pwedeng gawin??

Isabel: Time out na ako kakambal! 10:50 na ten minutes nalang submission mo na.

Dun nawala si Isabel inisip nya pari kung paano nya gagamitin ang utak. Hinalughog nya ang bag at nandun ang exploding chewing gum at pepper spray atbp.

Dyan ka nalang Karen! Magiging abala ka lang sa aking misyon. Sinugod nya ang pwesto ng mga doktor na sa ngayon ay nag-uumpisa na naman ng pag-aalay ng dalaga.

Binaril nya ng binaril ang mga doktor doon. Lahat sila ay patay, ang babaeng walang saplot naman ay naroon nakatali handa nang gawing alay ay kaniyang tinignan at kaniyang nasambit.

Kawawa ka naman nasa category 2 ka din.

Biglang dumating si Bruno ang pinaka pinuno ng lahat matipuno ang kaniyang pangangatawan. sa kanyang hampas ay nasira ang pintuan.

Napalunok laway lang si Leo sa mga kaganapan at inihanda ang kanyang sarili alam niyang magiging mahirap itong laban. Isinuot nya ang aserong gawa sa diyamante at nginuya ang exploding chewing gum at bumulusok sya patungo kay Bruno.

Kung ang estilo ni Leo ay si Baki Fuma ang grappling si Bruno naman ay katulad ng ama ni Baki na si Yonjiro Fuma. Ang bawat suntok nya ay walang epekto pinilit nya din ang mga arm lock para hindi makagalaw si Bruno ngunit ang kaniyang lakas ay hindi matawaran winasiwas nya lang ang katawan ni Leo at ay sya ay tumama sa pader. matapos nito ay hinawakan siya sa leeg ni Bruno yung grip na sobrang higpit na hindi ka na makakahinga. Para siyang kamatis na pinipisa sa malalaking muscles ng binata. Halos mawalan na siya ng hangin at malay hanggang sa maalala nya ang sinabi ng kaniyang kapatid.

Ang kahinaan nya ay nasa ulo...

Paulit-ulit itong nagpaikot-ikot sa kaniyang tainga hindi nya magets nung una ang pinagsasabi ni Isabel. Kayat sinuntok nya sa mukha si Bruno, walang epekto ito dumugo lang ang mukha pero hindi natinag.

Baka ibang ulo.

Ayun ang naisip nya. Gamit ang Jeet Kun Do na estilo na pinairal ni Bruce Lee ( nag-aral po ako ng MMA at isama din ang Jeet Kun Do at Muay Thai) inipon nya ang pwersa sa kanyang paa at sinipa ang pagkalalaki ni Bruno. Walang nagawa unti-unti siyang nanghina at napadapa. Hindi pa siya nakuntento ay inisprayan pa siya ng pepper spray sa mata at nilagyan ng exploading chewing gum sa may ulo bumilang sya ng isa, dalawa, tatlo.

Walang pagsabog na naganap. Muli naramdaman nya na pinaasa lang sya. Agad nang nakatayo si Bruno at bumalik na ang lakas takot ang nadama ni Leo dahil ubos na ang kaniyang mga bala. Hindi narin eepekto ang atakeng ginawa nya. Hanggang sa sumugod si Bruno patungo sa kanya.

Takbo ang kaniyang ginawa at sa kaniyang pagtakbo papalapit kay Leo bigla nalang sumabog ang kaniyang ulo. Kalat ang utak at bahagi ng katawan. Dito nya natutuhan na imporanteng maghintay, hindi niya ito nagawa noon at naalala nya ang sandali na kung saan nanghingi ng tulong si Isabel na hintayin siya sa punong mangga dahil sa natatakot sya. Nalate ng ilang minuto si Isabel at umalis si Leo agad agad kaya nakidnap ang kapatid nya at namatay.

Pagkatapos ng lahat ay naroon parin si Karen sa labas, hindi parin pinansin ni Leo ang dalaga. Agad na sumunod sya sa binata ngunit sinara ni Leo ang pintuan para hindi makalabas si Karen. Nilagyan ng explosive chewing gum ang buong paligid at umalis.

Na tapos nya na ang kaso at ang music box na nabanggit bagama't importante sa kaniya ay iniwan nya nalang sa loob ng nasabing gusali maghihintay ng magbubukas nito gamit ang susi ni Karen.

Iniwan na ni Leo ang lugar na pinangyarihan ng krimen at nagwikang

Bwawawa hangal na mga mortal! Kala nyo magagapi nyo ako basta-basta! Lalo ka na Karen hindi kita tatanggaping alay nasa category 3 ka na.

Epilogo

Sa isang lumang gusali ay mayroong isang music box na makintab maganda ang tunog at kahali-halina. Maririnig ang kaniyang tugtog na

Inialay ko ang buhay mo. Lalakas ang katawan mo. Hanapin mo ang kaluluwa ko matutupad pangarap ko

Pinulot ito ng batang si Ferding at nagbabakasakaling makajackpot sa kalakal ngayong araw. Ibenenta nya sa junkshop ni dating Police Inspector Leo.

Sort:  

May categories pa talaga kuya @tpkidkai!

Andami kong tawa. Mga isandaan walumpo't apat at kalahati! Hahahaha

Pero ito talaga ang nagdala eh. Ahahaha

Isabel: Time out na ako kakambal! 10:50 na ten minutes nalang submission mo na.

Oo dibale yung kategory na meron

Category 1 - Maganda
Category 2 - Di kagandaha pero birhen pa
Catehory 3- Di kagandanhan pero di na birhen

Ayaw ni Hades ang category 3 kaya ganun.

Ito nag dala sa kwento eh, sakit ng panga ko habang nagbabasa.

Isabel: Time out na ako kakambal! 10:50 na ten minutes nalang submission mo na.

iba ka rin bro eh, nyahahaha...

Nyahahah bro buzzer beater! Di parin umabot hahaha sayang ang chance na manalo ng daily round pero ayos lang chill chill lang tayo sa kung anong resulta. Isa to sa pinaka paborito kong serye ang dami kong nagawa hahah

at mahusay na rin magpatawa si pinunong @tpkidkai ngayon. nyahaha! ang galing na naman ng plot twist. ung inaakala mong bida ay kalaban pala. nagiging mcu na din ang mga kwento natin sabi ni @beyonddisability dahil may karugtong palagi pagkatapos ng end credits. kulang na lang ay musical scoring at pwede na gawan ng pelikula. mahusay ka talaga pinunong tp. 👏👏👏

Kailangang sumabay eh/ Kung magagaling ang mga kasama gaya nila @itsmejayvee. @romeskie, @jamesanity06 at @julie26 dapat bigyan natin ng level up ang mga kaganapan.

Salamat lodi jampol sa papuri.

TP pwede ka na sa team komedya hahaha! Ang asteeeeg ng plot twist , grabe! Di q inexpect un! Lang yang Leo na yan! Hahaha

Naku #unangpangkat mukhang nanganganib tau! Hahahahaha!!!! 😅😂

#Team Komedya naman talaga dapat ako. Hahah kaso waley ang mga jokes ko kaya di ko na tinutuloy buti nalang naipasok kahit papaano.

Napakahusay mo magpatawa sir :D :D

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 64513.75
ETH 3146.11
USDT 1.00
SBD 3.95