Pera Na - Unang Bahagi

in #philippines9 years ago

Poverty.2.jpg

Source

Ang kwento natin ngayon ay iikot sa mag-asawang Hana at Michael, at isang singsing . Sympre may ibang mga tauhan pa sa kwento ngunit sabihin na nating sila ang mga pangunahing karakter dito at ang iba ay panay palabok lamang.

Muli si @tpkidkai ay maghahatid ng isang munting serye na pinamagatang.

Pera Na

Sa isang lugar na tatawagin nating U.S.A. nakatira ang mag-asawang Hana at Michael. Kung ang iyong nasa isip ang U.S.A. ay ang Estados Unidos ngayon palang sasabihin ko nang ito ay mali. Ang U.S.A. ay nangangahulugang United Squatters Area dito sa Tondo. Nakatuwaan nalang ng mga tao na U.S.A. ang tawag dahil sa tunog susyal daw ito para sa mga dayo.

Masaya sa U.S.A. mula sa kanto nila aling Charice na araw-araw ay may pa karaoke hanggang sa pasugalan ni Mang Poldeng ay mapapansin mo na sobrang daming tao at buhay na buhay ang komersyo.

Ngayon makikita natin ang ating bida sa kwento si Michael, na pasuray suray sa daanan. Tanghaling tapat iyon at lasing na lasing na naman siya . Napadaan kasi sya sa kaniyang kaibigan na si Benedict at hindi nakatanggi na shumot ng toma.

Regular na umiinom si Michael at alam na alam iyon ng mga tao sa U.S.A.
Kapag siya ay dumaan nang lasing nako magtago ka na at kapag ikaw ay napag tripan niya, kung di ka uuwing lumpo ay uuwi kang may black eye malamang.

Sympre hindi dapat overpower ang bida natin. Kung si Samson ay may Delilah sa bible, sa kwento nating ito meron tayong Hana.

Ang sisiga sigang si Michael ay nagiging isang maamong tupa sa harap ng kanyang asawa

Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao kaya mong magbago?

May isang napaka cute na anak din si Michael at Hana at iyon ay ako.

Sa sobrang cute ko nako hindi ako pinapayagang lumabas ng kalsada ni Papa at mama pero isave muna natin ang kwento ko kasi hindi naman ako medyo main cast dito.

Ayun mabalik tayo sa kwento, habang pasuray suray si Papa at bigla syang sumigaw

“Ilabas nyo ang matapas dyan! Magsilabasan kayo mga duwag!”

Patuloy lang ang paglakad nya na pasuray suray at ang bawat makikita nya gamit na sa tingin nya ay kaya nyang ikalat ay iiitsa o ihahagis sa kalsada.

Ganun sya kasiga.

Ilang mga minutong hakbang ay naroon na ang aming munting tahanan at si Aling Charice ay humahangos papasok sa aming bahay

“Hana! Dali ang asawa mo lasing na naman! Ayun nagwawala ulit sa may eskinita.”

“Teka lang po Aling Charice ayusin ko lang poi tong buhok ko ng kaunti at ako ay pupunta na dyan”

So ganun na nga pagkatapos mag-ayos ni Mama ay dumerecho na siya sa may kanto at nandun nga si Papa nagsisigaw parin.

“Hoy! Michael Antonio Lopez! Ano na naman itong iskandalo mo!”

Ang boses ni Mama ay maririnig sa buong sulok ng eskinita na sa sobrang lakas ikaw ay titiklop din.
Biglang sumagot si Papa at nagpasuray-suray na lumakad

“Teka lang sino ka ba?! Kilala mo ba ako! Ako lang naman ang siga dito!”

Pagkasabing pagkasabing iyon ni Papa hinawakan ni Mama ang tainga ni Papa at piningot at sinigawan ulit sa tainga.

“Ako lang naman ang asawa mo kaya’t ikaw umuwi ka na dahil kung di ka uuwi ay mas matindi pa ang aabutin mo dito!”

Mapula na si Papa dahil sa alak pero, mas mapula na sya sa kahihiyan at ayun pingot pingot sa tainga kinaladkad sya sa bahay.
DQmSeLb1YWa5LzPq2XpbcbGciGtfdrZCjGmscgqWaXo6gef.png

======================================================================================
Ayan naitawid ko na ang unang bahagi ng series ko. Susubukan kong maging iba ang atake sa akdang ito at sa mga susunod na araw ma rereveal kung bakit "Pera Na" ang title. I really love plot twist and having a cringing effect to readers wil bring somehow a joy :) Basta hindi ito ganun kaheavy nung una kong likha promise :)

Kung hindi mo pa nababasa ang aking mga akdang tagalog pwede mong i click ang links sa ibaba.

Siyang hindi na sinikatan ng araw –Unang Bahagi ( Isang Tagalog na Kwento)
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Ikalawang Bahagi
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Ikatlong Bahagi || Ang Alamat ni Berto||
Siyang hindi na sinikatan ng araw - IKa-apat na Bahagi
Siyang hindi na sinikatan ng araw - Huling Bahagi (Wakas)

Medyo heavy ba si buhay pwede mong basahin ang munti kong likha

Minsan hinabol ko si umaga.

Salamat ng marami sa suporta at pagtangkilik sa aking mga likha at muli isang magandang umaga.

Sort:  

May aabangan na naman!

Ngayon ko lng nabasa ang Part1.. I love it USA!

Hahaha taga saan ka? Edi taga USA! 👯‍👯‍👯‍

😂😂😂With matching budots dance!! Kung nasa pc lng ako..

Hahhah grabe I can't imagine i DTUBE na yan!

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.33
JST 0.101
BTC 63822.38
ETH 1788.97
USDT 1.00
SBD 0.38