Ang Kwento ng Babaeng Walang Poreber? - Ikalawang Bahagi

in #philippines7 years ago

Para hindi mahalata na kinukunan ko ng larawan si ateng walang poreber, sinimplehan ko nalang. Iniharap ko ang aking cellphone sa aking mukha at nag mostra na parang nag seselfie. Wala namang nakaka alam na ginawa ko yun maliban dun sa katabi ko sa jeep na nagpipigil sa pagtawa.

Umandar na ang jeep at hindi ko na nagawang simplehan pa siya. Dahil inilaan ko naman ang araw na ito para makita at makilala siya ay lulubusin ko na. Unti-unti naubos nagsimula nang magbabaan ang mga pasahero ng jeep at nakarating na sila sa kanilang mga destinasyon pero si ate na kanina ko pa tinitignan bakit parang hindi pa siya nababa.

Tumigil ang jeep at tinignan ako ng drayber at kinausap.

“Toy, saan ba ang baba mo at ako ay gagarahe na kami?
“Manong saan po ba ang Kalye Maginhawa? Mukhang lagpas napo ata ako? Tanong ko sa kaniya kahit sa totoo lang e alam ko naman talaga na lagpas na ako doon.
“Nako boy, lagpas ka na kanina pa.Mag garahe na kami ng anak ko eh. Pero pag baba mo sa jeep sakay ka ng byahe ay rutang pa SM tapos sabihin mo sa drayber ay ibaba ka sa may puno ng atis.” Sagot nya
“Sige ho manong salamat ho. Pababa nalang ako dyan sa may kanto.”

At ayun na nga bumaba na ako ng jeep at doon ko natanto na tatay nya ang drayber ng jeep. Kaya pala ganun sya ka-angas kanina. Buti nalang at di na niya napansin ang aking pagkuha ng litrato sa kanya.

Pagbaba ko ng jeep ay nagabang na ako ng byahe pauwi, hindi naman ganung kalayuan ang sa amin sa binabaan ko pero para hindi narin makahalata na sinusundan ko si ate ay sasakay na ako. Binuksan ko ang telepono ko ay nakita ang larawan na aking ni-ninja moves. Maganda parin sya kahit na nakaw lang ang larawan paano pa kaya kung maka kuha talaga ako ng mas maayos na kuha. Isang malalim na buntong hininga nalang ang aking nagawa at natulala. Nagsidaanan na ang mga jeep na sasakyan ko pauwi at hindi na ako nakasakay. Isang jeepney ang tumigil sa akin at lulan noon ay si ateng walang poreber.

“Sabi na tama nga ako. Eengot-engot ka din” Unang wika nya
“Ha? Bakit naman?” Tanong ko sa kaniya
“Kasi kanina pa noong ibinaba ka naming dito hanggang ngayon ay di ka pa nakakasakay pauwi ng inyo o sa lugar na pupuntahan mo” Ani niya
“Oo nga eh, nagdadalawang isip ako kung tama ba ang sasakyan ko”

“Ganyan naman kayong mga lalaki! Sinabi na nga sa inyo ang dapat gawin di parin sumusunod. Kala nyo kasi lagi kayo ang tama hindi kayo nakikinig sa iba. Ano porket di mo tropa si tatay di ka na naniniwala”
“Ha? Anong sabi mo?”

“Wala, ang sabi ko sige samahan na kita at baka mapaano ka pa. Mukhang engot ka pa naman”

“Sige salamat, nga pala anong pangalan mo magandang dilag?”

“Bakit ko naman sasagutin yan? Taga Census k aba? Pagkatapos ng pangalan ko, ano cellphone number ko naman para text-text tayo, tapos noon manliligaw ka, tapos sympre sasagutin kita. Magiging masaya tayo sa mga unang linggo hanggang sa di ka na magrereply sa text ko. Tapos I ba block mo ako sa FB, tapos wala nang paramdam malalaman ko nalang sa mga kaibigan natin na may jowa ka na palang iba at ako namang si tanga na hopia pa! pero sige subukan natin baka iba ang kwento. Rachelle nga pala”
Ang dami niyang sinabi at nagpipigil ako ng tawa, di ko alam talaga kung seryoso ba siya o nag jo joke lang pero ganun pa man e ayos nadin. Atleast alam ko na ang pangalan niya.

“Niwrec nga pala, pero “Win” nalang. “win” sa puso mo.” Dahil mahilig siya sa mga ganitong eksena siguro naman ay matatawa din siya.

Tinignan ko ang reaksyon nya kung kikiligin ba siya o matutuwa pero isang maputlang mukha na nakatunganga ang naging tugon nya. Hanggang sa nagsalita na ulit siya.

“Tapos ka na? Sorry ha ang baduy ng pick-up line mo. Sa sobrang baduy ng pick-up line mo yung jeep na sasakyan natin eh naka alis na”

“Ah ganun ba? Awts sige maghintay nalang tayo ng jeep ulit dito.” Idiniin ko talaga ang salitang tayo habang kausap siya

“Wag ako boy. Iba nalang at tsaka walang TAYO. Asa ka, matuto ka munang umuwi ng bahay nyo.” Singhal niya sa akin
“Ang sakit naman noon beb, paano naman ako uuwi sa aking bahay kung nandito na ako. Diba nga sabi nila the home is where your heart is? E nasa iyo na ang puso ko kaya’t ikaw na ang tahanan ko.” Banat ko
“Gusto mo talagang masaktan ha! Sige!”


Pinagkunan ng gif

Pagkatapos noon ay inupakan nya ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba talaga ako sa ginawa nya pero para kaming magkasintahang nagkukulitan sa kantong iyon. Pero parang tinototoo nya talaga ang suntok eh. Kaya noong may jeep nang dumaan at tumigil sa amin e ayun sumakay na ako at siya naman ay hindi na sumunod at kinausap nalang ang driver na tingin ko ay tropa din nya.

Natatawa nalang ako sa nangyari kanina at tingin ko ay mas gusto ko na sya. Hehe nakakatuwa na at sympre palaban.

Sort:  

Haha nananapak si ate girl .. Jusme

Kunyare shunga si kuya mga technique tlga ng mga lalaki. Haha

Haha ayan si girl palaban.

Uu din ate @cheche016 hahaha wag na papaloko hahahaha

Porebe ba kamo... ay naku hindi totoo yan. Kathang isip lang yang poreber na yan. Walang ganun.

Wala daw pong poreber! Guni-guni lamang iyon na likha ng ating malilikot na isipan. salamat sa pagbisita @cloudspyder.

Hey man wish I could read this! Giving you a vote for the GIF :P

That's okay FT this is much appreciated :)

haha!.. ang korni nung banat ni win kaya sya sinapak 😂

Wahahaha, ung pangalan talaga yung nagdala eh. Ay bakit baliktad ung pangalan?

Heheh syempre naman ayan ang tipikal na pangalan ng mga kabataan ngayon @artgirl binabaligtad para mas astig.

Haha kaya nasasaktan eh, ang korni kasi ng pick up lines! Hahahaha

Nice @tpkidkai! Hahaha pero wala talagang forever 😛

“Bakit ko naman sasagutin yan? Taga Census k aba?

Familiar tong line na yun .... haha
Talagang buhay na to ni @cheche016

patang nag rarap si ate walang poreber hehehe..

ang cute lalo ng story hehe

Muntik nako maniwala. 😄
NICE! Ang likot nga ng isipan. 😁

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.26
JST 0.040
BTC 96609.04
ETH 3464.64
SBD 1.58