Top 10 Reasons Why the 90's didn't Suck?

in #philippines7 years ago (edited)

The 90's was so cool and most people didn't have a thought that the era sucks. But first, let me tell you a story first why I had come up with this idea:

We had no internet connection for 10 days and we literally went crazy.

Damn PLDT. (PLDC as they called it, you know: DisConnected.)

I wondered if there should be a new type of mental disease called "No Internet Connection Syndrome". Hehe. Inaamin ko na nakakabaliw na rin pala pag walang internet.

I realized that Internet Connection is now a need. And then naisip ko, bakit naman dati kahit hindi pa uso internet nu'n ay nabuhay naman tayo? Lalo na nung 90's.

Masaya naman at astig!

Why oh why?


Top 10 Reasons Why the 90's Don't Suck — Philippine Edition

10. Toys

Most children nowadays will never know what are these:

aroma beads.jpg

Kisses. Or officially known as aroma beads. Sabi nila nanganganak daw ito. Totoo ba yun? Haha. Kasi parang dumadami nga naman. Lalo na pag nilagay mo sa basang bulak. Ang bango din nito pati. Madalas nilalagay ko ang mga 'to sa ID cover ng school ID ko. Hehe. Kayo ba?

Another one:

troll.jpg

Troll dolls. Ang papanget pero nauso.

E eto:

tickle me elmo.jpg

Tickle Me Elmo. Ito yung stuffed toy na kahit suntokin mo sa tiyan ay tawa pa ng tawa. Hahaha. Siraulo din. Mag-va-vibrate at tatawa ng tatawa. Pagkatapos sasabihin niya, "that tickles." (Ang akala ko dati ang sinasabi niya ay "fried chicken". . . yun pala "that tickles.") Hahaha. Usong uso ito dati, kumbaga Aldub ng mga stuffed toys. Sold-out daw ito sa America, at dahil naging scarce yung supply, may bumili pa nga daw ito ng worth $10,000.00. Hahaha that tickles!

familycom.jpg

Family Computer. Ang alam ko dito umusbong ang industry ng video games. The all-time classic na Super Mario, Contra, Pac-man, Tetris, Circus, Battle City, etc etc. May bala nga ng 1000-in-1 daw yung games pero pare-pareho lang din, magkakaiba lang ng pangalan. Haha. Tapos hihipan mo yung cartridge pag ayaw gumana. The struggle.

Sa 90' din na-release ang mga other video game consoles like Super Nintendo at Sega Saturn (classic games: Street Fighter 2, Super Mario World, Mortal Kombat, Donkey Kong Country. . . ano pa ba?). . . Playstation 1 (Crash Bandicoot, Final Fantasy VII, Castlevania, Metal Gear Solid, Dance Dance Revo). . . PC (classic games: StarCraft, Red Alert, Counter-strike, DOOM), Gameboy. Haha kailangan may apat na Double A kang baterya. Magastos.

game boy.jpg

Sama mo na 'to:

tamagotchi.jpg

Medyo pang rich kid itong mga toys na nabanggit ko. E etong mga to:



9. "Kanto" toys

Hindi ko alam tawag dito: Kayo ba?

tansan.jpg

DIY itong laruan na ito e. Ito yung tansan na pipitpitin tapos lalagyan ng dalawang butas at dun ipapasok ang sunulid. Tapos papaikutin. Hehe. Masaya na tayo dun. Except yung kaibigan ko noon na nahiwa yung pisngi dahil tumama yung tansan sa kanya habang umiikot. Hanggang ngayon andun pa sa mukha niya yung "tansan scar." Haha.

Pwede rin gamitin yung mga tansan sa DIY tambourine. Pang caroling tuwing pasko:

images.jpg

Ito naman ang item na tradeable items sa tansan:

pog.jpg

Pogs. Nag-iipon kami ng mga tansan ng coke ng mga kaibigan ko para sa Pogs. Tapos halos lahat ng mga bata sa amin hahabulin yung truck ng Coke pag dumadating na para ipapalit ang mga naipong naming tansan sa Pogs. Haha those days. Jackpot na yung may free "slammers" na makukuha. You don't have to worry dati kasi mura lang naman ang Coke noon. Naalala ko 20 pesos may 1.5L ka na. Haha. E ngayon — magkano na ba?

Siyempre pag may mga pogs, meron din ang mga ito:

teksfromtumblr.jpg
Teks. Tsub-Tsa-Tagilid akin. Yung lunch box ko dati na akala ng iba ay pagkain ang laman, yun pala punong puno lang ng mga teks. Hinagis ko lahat ng laman nun at pina-agaw ko sa ibang mga bata. Syempre tuwang tuwa ang lahat. Agawan. Pag naaala ko feeling ko ako si Willie Revillame nu'n. Haha.

marble-balls-thumb10977007.jpg
Jolens. Nakaka-miss ang mga terms na egol, pasi-maning, kaban, balikins, skit, pera-asta pera-lins, atbp. Haha ewan ko ba anong etymologies ng mga terms na yun. Pag alam mo yun isa kang hardcore na batang kalye. Hehe.



8. Old School Technologies

Trivia: Ano ang common factor nitong dalawa?

tape cassette copy.jpg

Cassette tapes. Ang hustle nito mag rewind at fast forward. Kailangan ng lapis. Hahaha. Kung wala pang lyrics notes yung album (such as Nirvana's Nevermind), at walang pambiling song hits, isalang mo yung tape sa Sony Walkman then pakinggan yun kanta at ilista sa papel ang lyrics using pause-play-rewind combo. Matrabaho at prone pa sa misheard lyrics. Haha.

betamax.jpg

Betamax at VHS. Punta pa kami noon sa Video City upang manghiram ng bala.

floppy-disk-214975_1280.jpg
Floppy disks. O *Diskette. "Micro" version na nga itong nasa picture. 3 1/2" na yan, kasi dati may mas malaki pa diyan: 5 1/2 inches. haha. Tapos kung hind ako nagkakamali 1.44MB lang ang capacity niya. Pwe! Pero dami na rin masasave nun na files. Wala pa naman JPEG noon at MP3. Haha.

pc.jpg

PC Bihira lang may computer noon. Tapos MS-DOS pa gamit. Mano mano type ng mga command para kang nerd. Wala pa kasing Windows.

Ano pa ba?



7. 90's Pinoy TV Shows

Can you name these 90's Pinoy TV shows?:

tropang trumpo.jpg

90S PINOY TV SHOWS.jpg

90S PINOY TV SHOWS 2.jpg

Ano paborito niyo diyan?

Quick kwento: Badtrip ako sa letter I (yung kay Kabayan). Meron dun isang Halloween Story: yung bata umihi lang sa CR tapos nawala na lang bigla. 3 months after, natagpuan na lang siya sa sementeryo naglalakad.

Wat da? Yun ata naging sanhi ng UTI ko.



6. Anime

Siyempre ihiwalay natin ang anime. Oo nga TV shows rin naman yun, kaso galing Japan. (hahaha whatever, nagdahilan pa ko. hahaha).

Naalala niyo to?

Voltes Five lima sila
Uminom ng Pop-Cola
Sumakit ang tiyan nila
Deretso sa kubeta /
Sabay utot
Sabay tae
Kontra-bulate

Haha. Malamang alam niyo yang parody song na iyan. Although hindi from the 90's ang anime na Voltes Five, tinelecast ulit ito ng GMA-7 nung 90's (trivia: kasi na-ban daw dati ito ni Pres. Marcos nung 70's). . . Tapos sumabay na rin i-telecast nila yung Ghost Fighter, Dragon Balls, Flame of Recca, at iba pa — tapos nasa primetime slot pa! Lufet. Taas nga ng ratings nila nun e, tinalo nila Mula sa Puso at Esperanza nun ng ABS-CBN 2. Haha.

Doon sa min wala ng bata nun sa labas pag 7:00pm na. Bakit? E Ghost Figher na e. Yu Yu Hakusho. Tuwang tuwa na yung mga nanay kasi may kusang loob na umuwi yung mga anak nila. Salamat, Eugene (mimicking Jeremiah's voice).

At ito ang isa sa hindi ko malilimutan (hindi kwentong barbero to ha): ang episode nu'n yung Eugene vs Sniper tapos dumating si Vincent. Kaka-start lang ng episode, kaso kumidlat ng malakas nu'n sa amin. Sobrang lakas nung kidlat at kulog kaya nag-spark ang poste sa min at panandalian ng brown-out. Tapos binuksan ulit yung TV namin, ang problema, wala ng picture yung TV namin! Sounds na lang ang meron. Naku, patay.

Mamaya-maya, may nagring sa landline namin. "Hello", yung kapitbahay namin yung tumawag, sabi, "makikinood sana ako sa inyo, nasira TV namin dahil sa kidlat. Nawalan ng sounds! Pero may picture."

Sagot ng kuya ko, "e kami rin nasira yung TV namin. nawalan naman ng picture pero may sounds." Then ta-da! "Ano kaya, dalhin niyo yung TV niyo dito para pagtabihin na lang natin mga TV namin? Sainyo yung picture, samin sounds." And the rest is history.

FourHeroes.jpg

animegame.me14812575954185.jpg


For the part 2:
https://steemit.com/steemitfamilyph/@rigormortiz/top-10-reasons-why-the-90-s-didn-t-suck-part-2

#steemitfamilyph #untalented #philippines

steemit rigormortiz footer follow upvote.jpg

Sort:  

Hello kuya kamusta :) I really enjoyed the articles.. medyo wala pa ako masyado isip niyan pero I am glad I had a glipse of how it was during the 90's.

Hi Ankarlie! thanks for reading and you welcome na nag-enjoy ka naman. hehe. you wanna know more what 90's felt like?

Answer: parating brownout.

Present lahat sakin. Haha nagkulang lang sa YU-GI-OH cards.😅 Nice post. Mabuhay mga batang 90’s.💪🏽

oo nga noh Yu-gi-oh. Nakapaglaro lang ako noon sa PC nung 2003, na-adik din ako. Dark Magician! Curse of the Dragon!

ang meron ako noon ay yung trump cards (not related to Donald Trump).

nakakamiss huhu

uu. simple lang buhay noon pero cool.

Pinakanatawa ako sa comment sa #7 😂

Wat da? Yun ata naging sanhi ng UTI ko.

And pati sa Ghostfighter kwento mo.
Cool post bro. Adding my seal approval as batang 90s :D

haha. loko yung episode na yun. it ruined my childhood. haha. pero nabawi naman nung Ghostfighter experience ko, nag-augment ang cool childhood memories.

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Ito pala mga sagot sa mga TV Shows:

A. Tropang Trumpo
B. Okay Ka Fairy Ko
C. Palibhasa Lalake
D. Home Along Da Riles
E. Sineskwela
F. Batibot
G. Ang TV
H. Oki Doki Dok
I. Magandang Gabi Bayan
J. Gimik
K. Ang Dating Doon (Bubble Gang segment)
L. Mara Clara

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67779.88
ETH 2396.01
USDT 1.00
SBD 2.32