Filipino Poetry: Ikaw Ba'y Isang Pilipino?

in #philippines6 years ago

flag-1195392_1280.jpg

Pinagkunan

Ikaw Ba'y Isang Pilipino
ni @rexcia

Ikaw ba'y isang Pilipino?
Wag mong ikahihiya ito
Pango man ang ilong mo
Biyaya pa rin ito ng Maykapal sayo

Ikaw ba'y isang Pilipino?
Pwes, dugong maharlika ang nanalaytay sayo
Magigiting ang iyong mga ninuno
Na lumaban para sa kasarinlan ng bayan mo

Ikaw ba'y isang Pilipino?
Kaung gayon ay parehas tayo
Wais at talentado
Dahil ang Pilipino'y kilala sa katangiang ito

Ikaw ba'y isang Pilipino?
Dapat ito'y ipagsigawan mo
Wag mong ikahihiya ang lahing ito
Lahi ng mga masiyahi't simpatiko



Sana'y inyong naibigan ang aking munting tula. Likha sa wikang Filipino para sa Pilipino. Nalalapit na kasi ang Araw ng Kalayaan kaya ang ginawa ko ay hindi tungkol sa bayan hehe pero tungkol sa mga taong dito naninirahan.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 63718.61
ETH 3390.60
USDT 1.00
SBD 2.62