PAYAK NA BUHAY

in #philippines6 years ago (edited)

HELLO EVERYONE!!!

It's a new day, a Blessed day to all of us...
Today I composed another simple poem about our lives back in the Philippines.
I wrote this for all Filipinos around the world, who are longing to come home in our mother land.

I hope that you guys will enjoy my 6th poem.



S76jsw46vidAzZgB2.jpg
image source

PAYAK NA BUHAY

(nowiknow17)

I

Sa malayong lugar, na aking nagisnan

Ang lahat ng tao, ay nag tutulungan

Nag bibigayan, anumang makayanan

Maging ng pagkain, at anumang bagay



II

Ang saya’y nakaukit, lagi sa labi

Pagbati’y palaging, may kasamang ngiti

Anumang hirap, laging napapawi

Hindi nagtatagal, ang pamimighati



III

Ang bayanihan, ay masisilayan

Bahay kubong, naglalakad sa gitna ng daan

Tulong-tulong sa pag buhat, magkakapit bahay

Kay gaang pagmasdan ng kanilang buhay



IV

Tuwing dumarating ang pagsasakahan

Makikita sa bukid, ang pagtutulungan

Kahit anong hirap nagiging magaan

Pagkat sama-samang, pinag tutulungan



V

Kapag dumarating, saganang anihan

Lahat ay masaya’t, mayroon pang sayawan

Pagpapasalamat, sa Poong Maykapal

Di nalilimutan, kahit napapagal



VI

Payapang paligid, di ka manganganib

Kahit abutin man, hating gabing sigid

Sa madilim at malawag na paligid

Di mo aabuting, ika’y maligalig


VII

Wala ang nakawan, pati ang patayan

Pagpapahalaga sa kapwa ay laan

Anumang oras, ay handang dumamay

Laging bukas palad, itong mga kamay



VIII

Kung simpleng buhay, ang nais maranasan

Dito mo sa nayon, masusumpungan

Sipag at tiyaga, ang tanging puhunan

Hikahos sa buhay, di mararanasan



IX

Yamang kalikasan, sa iyong paligid

Mabuting kalusugan, ang inihahatid

Sariwang pagkain, ang dulot saatin

Ang mahabang buhay, ay ating kakamtin



____________________________________________________________________________

THANK you guys for reading...

God Bless us all....
Have you voted your witness?

Consider casting your witness votes for @steemgigs (@surpassinggoogle), @precise, @cloh76.witness, @ausbitbank, and @curie who have been adding invaluable contribution to the community.

To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses

nowiknow17.png

Sort:  

wow. thank you so much. Its my pleasure to be selected..😁😁

Nice poem po nakakarelate ako ganyang buhay din ang kinagisnan ko.

Nice.parehas po tyo.hehe

Sarap basahin ang mga tula. Nakakarelax. Thank you

Salamat .😄😁☝️

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.034
BTC 66077.75
ETH 3167.77
USDT 1.00
SBD 4.01