Pagkakasala

in #philippines8 years ago (edited)

Credits

Isang tunay na masarap sa pakiramdam ang umibig.
Lalo na sa taong nagbibigay ningning sa iyong daigdig.
Walang kasing tamis ang maging isa sa iyong minamahal.
Init ng pagmamahalan at isang natatanging sagot sa mga dasal.

Ika’y dumating sa buhay nya ng parang kidlat.
Pero nawala ka rin sabay ng kanyang pag dilat.
Nagising syang humahagolgol sa lamig ng iyong paglisan.
Ika’y pumasok at kumapit na pala sa ibang lagusan.

Diba sabi mo pa sa kanya ika’y makakahintay?
Pangako na mananatiling kayong dalisay.
Tunay nyang dinibdib ang iyong pagkasala.
Binigo mo siya bakit nga ba?

Ilang beses mong sinaksak ng matatalim na salita
Ang puso nyang walang ginawa kundi ang patawarin ka.
Ilang beses mong winasak ang kanyang pagtitiwala
Anong meron sa iba na wala sa kanya?

Ngayon sana hindi ka inuusig ng iyong konsesnya.
Minahal ka nya sa kabila ng pagwasak mo sa kanyang damdamin.
Na kahit tinanggalan mo sya ng dangal at hiya.
Ika’y nagawa nyang patawarin at lubusang palain.

Credits

Sort:  

Ilang beses mong sinaksak ng matatalim na salita
Ang puso nyang wala ginawa kundi ang patawarin ka.

On point lage kaayo ni! Murag may pinaghuhugutan. :)

Di ko musay everything will be okay, but I do hope you remember na there are lots of people who got your back. Time heals,maybe not now but it surely will. :)

thank you @reewritethings. Means a lot. :) I'll be there, to where I should be. Time will come I'll just laugh at myself saying "You did what you have to do. Now forget about it. He's just a puddle in the ocean my dear"

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.083
BTC 60213.83
ETH 1578.35
USDT 1.00
SBD 0.42