Mahal kita. Mahal ko ang "ikaw at ako" na naging "tayo.

in #philippines6 years ago

IMG_20180923_201728.jpg
New lovelife. New happy life.

Isang bulalakaw ang dumaan sa isang gabing nakakaulila.
Ako'y naiwan at siya'y sumama sa iba.
Yung hapdi at kirot ng puso ko'y damang-dama
Damang-dama na halos ako'y namamanhid na.

Ngunit isang araw sa hindi ko inaasahang pagkakataon.
Nakilala kita at tila ika'y isang malalim na balon.
Na sa sobrang lalim ako'y gustong mapatalon.
At magtiwala na lang sa kung anong hatid ng panahon.

Di kalaunan, ang dating "ikaw at ako" lang ay naging "tayo" na.
Tayo na unti-unting bumubuo ng mga alaala.
Alaalang may halong lungkot, saya at pangangamba.
Naging kakaiba ang ating estorya parang isang eksena sa pelikula.

Natutonan kitang mahalin at naramdaman ko ang iyong pagbabago.
Pagbabago para sa "tayo" na ating ginusto.
At dalawa tayong nagbitaw ng isang pangako.
"Mahal, sanay walang iwanan hanggang sa dulo. "

Pero heto na tayo. Sa pagitan ng mahal pa at nasasakal na.
Isang masalimuot na pahina ng ating estorya.
Tila ba'y isang malungkot na talata ng isang tula.
Ngunit alam ko at ramdam ko na ako'y mahal mo pa.

Mahal kita. Sana yan ay alam mo.
Ikaw ang bukod tanging nagpatibok sa puso ko nang ganito.
Hindi ko man inasahan ang mga pangyayaring ito.
Alam mo bang, hinding hindi ko ipagpapalit ang "ikaw at ako" na naging "tayo" sa kahit anumang bagay sa mundo.

IMG_20180923_200248.jpg

Sort:  

Ay LR! Ibang iba! Naka bratheth na din thya! LR LR LR! Hahahaha

Mas LR jd ka sa imong motor and lovelife oy hhahaha yizz naka brathet na hahaha strict much ang parents hahaha

Kung strict si parents, bat may nakapasok? Ay oo nga pala, hindi pala sa ngipin dumaan. Sa puso pala. Agoy madam. haha

Boom panes hahahaha iba din to si master e hahaha. Lodi

ayeeee I am so happy for you Nikka :)I hope you will enjoy and stay in love mwaaaah 😍😘

@joancabz. D nako masuya sa lovelife nimo. Haha. Missyou 😘😍💞

waahahha ayaw na jud anang suya2x dae ..Miss u too madam😍😘nya babae na kaau ug pamati sa buwak sah ? hihi

Feeling ebay na oks besh hahaha. 💞😍😘

Halllaaaaaa oysss amo nagyud ni. Congrats nikkk!!! 😍😍😍😍

Thankiss she. Ikaw npd sunod. Haha

Aba aba aba! Vongga! Congratulations! Sana ako na sunod...

Salamaaaat. Ikaw na susunod. Tiwala lang haha

OMGGGGGGGG laban lang jud ta diring dapita dzai!!!! <3 <3 Ka sweet ani oy hulmigason man ug apil akong screen. <3

Hahaha yizz. Lavarn lang jd. 💞😍😘

ako nasad mag balik alindog program ani besh. hahahaha

Ako pd oys. Haha baboy na oks haha

Congratulations @nikkabomb! You have completed the following achievement on the Steem blockchain and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes received

Click on the badge to view your Board of Honor.
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Support SteemitBoard's project! Vote for its witness and get one more award!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63493.34
ETH 2578.53
USDT 1.00
SBD 2.79