Dahil Walang Tayo

in #philippines6 years ago (edited)

image.png
Image Source

Hindi ko na maalala kung paano, bakit at saan nagsimula
Ang lahat ng kung anong namamagitan sa ating dalawa
Ikaw nga ba ang unang naka pansin?
O, ako ang nagbigay ng kahulugan sa kung anong meron sa atin?

Alam ko namang hindi pwede, alam mo ding hindi dapat.
Alam natin na pareho tayong hindi nararapat
Kahit anong pilit natin ay hindi pa rin sapat
Para magkaroon ng ikaw, ako at pagmamahalang tapat.

Naiintindihan ko kung ano mang meron sa pagitan ng yoko na at okay na.
Hindi ko maikukubli ang saya na nararamdaman ko pag naandyan ka na.
Kitang kita ko ang bawat kidhat ng tadhana
Sabi nya hindi nga pwede pero bakit ba ganito tayong dalawa?

Siguro panahon na para hayaan ang tadhanang magdikta
Kung saan pupulutin ang nararamdaman ng puso nating dalawa
Siguro naman kahit na aalis ka na ay hayaan tayo ni kupido
Na kahit saglit lang. Na kahit hindi maari. Hayaang magmahalan ang ating mga puso.

Pero kahit anong gawin ko ay talagang hindi pinagbibigyan.
Ang hiling ng munting pusong sugatan.
Ilang beses man akong mag alay ng awitin kay bathala,
At kahit ilang patak ng luha ang masasayang mula sa aking mata.

Ay hindi pa rin pwede ang "tayo" kahit anong pilit ko pa!

image.png
Image Source


Isang orihinal na komposisyon ng inyong lingkod, @nikkabomb. Sana'y nagustuhan nyo ang munti kong tula at sana hindi n'yo dibdibin dahil ito'y kathang isip lamang. Maraming salamat
mga kaibigan! Hanggang sa muli.

Sort:  

Poetry Writing is in your veins, @nikkabomb! Walang kupas! :D

ang supportive masyado 😆 salamat @caratzky

I agree with you @caratzky this work of @nikkabomb is a good piece. Keep it up @nikkabomb!

Ang ganda po!

thanks 💕😘

i wish i can also write poetry. great job! push mo yan girl!

hehe thank you. out of boredom lang talaga yan girl 😘

beautiful poem:)

Take some imaginary @teardrops (smart media tokens). You can read about these special tokens Here!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65862.35
ETH 3444.22
USDT 1.00
SBD 2.68