Bagong Taon! Bagong Henerasyon! Bagong Bayani ng ating Panahon!

in #philippines7 years ago (edited)

image.png
Source

May nakakaalala pa ba sa ating bayani?
Isang dakila at tunay na nagbubukod tangi
Gat Jose Rizal isa kang napakagandang alaala
Ngunit sa mata ng kabataan, ikaw pa b'ay kilala?

Ngayon ang ika isang daan at dalawampo't isang taon.
Mula ng ialay mo ang iyong buhay para sa nayon.
Ikaw ang nagsilbing lakas at utak ng Pilipino noon.
Ngunit parang ang iba'y nakalimot na sa nagdaang panahon.

Kabataan ngayon ang sabi mong magiging pag-asa.
Buong tiwala mo ay ibinagay sa kanila.
Ngunit parang ang iba'y nasira na ng teknolohiya.
At iba nama'y tuluyan ng nangibang bansa.

Ganunpaman, patuloy ang iyong laban.
May kabataan pa namang iyong mapagkakatiwalaan.
Mga bagong bayani ng bagong henerasyon ika nga.
Sila ang magtatatag ng bandera ng ating bansa!

cc.jpg
Source

dd.jpg
Source

Sort:  

Ang ganda ng iyong tula @nikkabomb. Natulala ako dahil alam kong isa ako sa mga nakalimot.
Naaalala ko lang si Rizal pag nakatitig ako sa piso haha.

hahaha salamat @jhon21.

hahahahahahahahha hindi ko nga alam na sya pala yung nasa piso

Salamat Dr. Jose Rizal, Salamat dahil sa tuwing pinapalabas sa TV ads ang tungkol sa death anniversary mo, naaalala nila pati birthday ko. Haha

belated happy birthday sir @caratzky!!

Galeng nik! ang iba ngayon hindi alam kung anong ganap sa holiday na ito hahhaha

@smaeunabs. nakakalungkot nga eh dahil mas inuuna nating maalala ang ibang bagay gaya ng schedule war sa CoC o di kaya schedule na ichat ang crush natin ngunit ang mismong nagpalaya sa atin sa mga alipin, di man lang natin maisipang alalahanin.

Ganda ng iyong tula :)

Your post is the second pick for the latest edition of Top 20 Commented Posts using the #philippines tag

Your post has been upvoted at 98% VP = $0.76, and you will be featured on the next edition. Congratulations.

wow! @vallesleoruther, thank you so much.

I keep on the look out for great posts using the #philippines tag. Your post was awesome no problem :)

😊 yeey. i'll be posting more!

Wow! Congrats sayo aking kaibigan 😊

salamat kaibigan. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 59269.62
ETH 3112.63
USDT 1.00
SBD 2.41