Sa ngalan ng PULITIKA

in #philippines6 years ago

Sa ngalan ng pulitika



Image Source

By: Lloyd Joseph D. Orzales (@mr-ciggaro)


Sa ngalan ng pulitika
Kabi-kabilang isyu,
Ang sa gobyerno’y ibinabato;
Kawalang hiyaan ng kanilang pagkatao.


Katungkulan napabayaan
Abalang abala sa susunod na halalan
Habol habol ang pwestong inilaan
Pakitang tao sa mamayan


Sangkot sa anumalya at korapsyon
Dinadaing naming walang aksyon
Puro pagpapayaman ang inyong intension,
Kaya nararapat na kayoy ma inprison


Maraming pundo ang nawawala,
Maraming tao ang lumuluha
Konsensya ninyo’y hindi mapapayapa
Kaya mga pulitiko, huwag mabahala!


Tayong mga pilipino
Wag magpaloko
Piliin lamang ang tamang kandidato
Sa darating na halalan ating iboto.

follow, upvote,resteem(@mr-ciggaro)


Please Leave a comment..Thank You!!...:D

























Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57946.22
ETH 3059.94
USDT 1.00
SBD 2.34