Paalam Kaibigan:Tula (Poem)

in #philippines6 years ago

Paalam Kaibigan



Image Source

By: Lloyd Joseph D. Orzales (@mr-cigarro)


Ilang taon din tayo nagkasama,
Akala ko ay hindi na magkakahiwalay pa,
Pagka't samahan natin ay napakaganda,
Ating pagkakaibigan ay kinainggitan ng iba.


Ngunit isang araw tayo ay 'di nagkaintindihan
lumitaw ang tunay na katangian,
Kaya't napagpasyahan nating mamaalam,
At sa is't-isa ay buwag nang makialam.


Sa opisina tayo ay nagdededmahan,
Magkasalubong man sa daan ay 'di nagbabatian,
Pagnag-uusap nama'y away ang kinababatungan,
Tangkang pagbabati ay wala ring patutunguhan.


Kaialan man ay hindi na maibabalik,
Ang pagkakaibigan at pagiging matalik,
Dahil sadyang magkaiba ang ating pag-iisip,
Pati na sa mga gimik natin pag tayo ay naiinip.


Sa aking pamamaalam ito lang ang masasabi ko,
Salamat sa panahon noong magkasama pa tayo,
Sana maging maligaya sa halip na
magalit at magtampo,
Dahil ang lahat ay natanggap ko na
at sana'y matanggap mo.



follow, upvote, resteem (@mr-cigarro)

Thank you for reading...:D
























Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57946.22
ETH 3059.94
USDT 1.00
SBD 2.34