TULA : Kaming mga Bata
photo is mine
Kaming mga bata sadyang nakakatuwa
Regalo sa magulang kamiy pinagpala
Kapag kamiy umiiyak ay kaawa awa
Pero aming mga ngiti ay nakakahawa
Kaming mga bata ligaya'y paglalaro
Umiikot, lumilikot at patakbo takbo
Minsan masigla , minsan may toyo
Kapag nadapa gusto nami'y saklolo
Kaming mga bata'y may nais malaman
Madami rin kaming nais matuklasan
Mga tanong gusto nang kasagutan
Upang magkaroon ng dagdag kaalaman
Kaming mga bata'y tunay na nakakaaliw
Mga matatanda sa amin ay nagigiliw
Hiling namin nawa kayo ay natuwa
Sa aming munting tula para sa madla
Kindly continue supporting @surpassinggoogle who has been very helpful
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses
Let us also take part in spreading and supporting #teardrops #untalented and #untalented-adjustments
Also our very own @precise , a very kind person and inspiration to everyone.
vote him as witness by going to https://steemit.com/~witnesses