Number 2

in #philippines6 years ago (edited)

Ako'y nalilito kung ano nga ba ako sa'yo
Pag tayo ay magkasama para akong isang reyna
Abot hanggang langit ang kasiyahan na nadarama
Mundo ko ay namumulaklak sa sobrang kaligayahan na dulot ng iyong pagsinta
Parang tayo na! na di naman pala
Ang hirap pala kung ikaw lang ay pangalawa
Ngunit wala ka namang magawa dahil isa kang dakilang Tanga
Tanga na kung tanga, pakialam ko basta ako ay masaya
Pilit mang itago ang sakit na nararamdaman
Subalit naghahanap naman ng mapagbuntongan
Lahat na lang kinakalaban, nagpakampi pa sa alak na traydor naman
Hay naku! Pag.ibig nga naman
Kung papasok ay di man lang magpapaalam
Ginugulo pati isipan
Di tuloy makapag.isip ng maayos dahil puso'y nanlalaban.
Sige na nga, Puso ikaw ay pagbibigyan
Ako ay magbubulag-bulagan para magmahal ng lubusan
Maubos man ang luha ko sa sakit na dulot nito
Titiisin dahil minahal kitang masyado
Punyeta kay hirap palang maging number 2.

♡meanbalot♡

20180207_173759.png

Image source:
https://www.google.com.ph/search?client=ms-android-samsung&biw=360&bih=310&tbm=isch&sa=1&ei=tgR7WvWuN4KM8wWEu42QDg&q=love+triangle+cartoons&oq=&gs_l=mobile-gws-img.1.1.35i39k1l3.0.0.0.6068.3.1.0.1.1.0.0.0..0.0....0...1c..64.mobile-gws-img..2.1.39.3...343.ZDr33BNQquM#imgrc=oMu1YkKDgnfUXM:

Sort:  

Alwas indicate "Image Source" ate. The link is what the curators needed to see before they can reward you.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 62934.09
ETH 3118.65
USDT 1.00
SBD 3.85