LITRATO
Lahat ng bagay at pangyayari sa atin ay hinding hindi natin mababalikan. Lahat ng masasaya, malungkot o maging masalimoot ay hanggang sa alala nalang. Pero dahil sa dala ng teknolohiya bawat pangyayari sa atin pwdeng ma capture, ung bawat saya, bawat pagsasama, bawat samahan at higit sa lahat ung bawat isa na nagnanais mabalikan ang mga kaganapan kahit hanggang litrato na lang. Sa litrato pwde natin maikompara ang nkaraan sa kasulukuyan. Sa litrato pwde natin maalala ang mga tao na minsan naging parti ng ating buhay. Mga tao na minsan naging kasama natin sa kasiyahan, kaguluhan, kalukohan at kung ano ano pa. LITRATO, isang salita na may maraming kahulugan. Simpleng salita na magdadala sa atin sa nakaraan at sa ating buhay kabataan.