My Filipino Poetry

in #philippines6 years ago


Ang sarap pala mag mahal
Yung tipong ang tagal-tagal mo nang mag isa
Tapos dumating sila
Lahat ng inipong pagmamahal ay binuhos mo ng walang ka angal angal
Salamat aking mga kaibigan
Sa kalokohan na kasama kayo
Gumagala
Nag bobonding
Nang aasar
Jumajamming
Naglalaro
Kumakain
Naglalakad
Naghahanap ng street food
Na hindi natin alam na meron nga bang halaga
Bakit nagsasayang tayo ng oras
Makasama lang ang isa't isa
Kahit pagalitan ng magulang pag-uwi dahil ginagabi
Dahil sa gusto natin lagi nasa tabi ni bro, pre, bes, tropa, tol, bestfriend, at kahit ano pang tawag natin sa isa't isa
Gusto nating tumagal ang bawat minutong makasama ang barkada
Mga trip ng tropa na aking kinasanayan na
Sanay ka ng mapagtripan ang gumanti kinabukasan
Sanay ka na
Sanay ka na yung mga kaibigan na libre ang magmayabang,
magkakutyaan at mag kasakitan
Sanay kana
At minahal mo na ang mga totoong sila
Ang kaibigan na itinuring mo ng kapamilya at kapatid
Sila yung lagi mong maaasahan
Salamat aking mga kaibigan at hindi niyo ako iniwan
Lagi kayong nandyan kapag kailangan ko ng makakausap
Kaya maraming salamat aking mga kaibigan
Mahal ko kayo

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66649.04
ETH 3352.77
USDT 1.00
SBD 2.70