Maligayang araw ng mga nanay

in #philippines6 years ago (edited)

Nay, hindi ikaw ang ilaw ng tahanan. Ikaw yung pinto na unang sumasalubong sa akin kapag umuuwi ako ng madaling araw. Kahit na puyat na puyat ka at ako naman, sayang saya dahil sa barkada.

Ma, hindi ikaw ang ilaw ng tahanan. Ikaw yung upuan na lagi kong nasasandalan sa tuwing hindi ko na kaya. Sa tuwing pagod na pagod na ako. Ikaw yung sumasalo sa lahat ng problema ko.

Mom, hindi ikaw ang ilaw ng tahanan. Ikaw yung lamesang bumubusog sa akin ng masasayang kwento ng buhay, mga aral na pwede kong magamit, ikaw ang bumubusog sa akin ng pagmamahal.

Inay, hindi ikaw ang ilaw ng tahanan. Ikaw yung unan na mayayakap ko at sasalo sa mga luha. Ikaw yung tanging matatakbuhan ko sa tuwing hindi ko na kaya. Ikaw ang nagbibigay ginhawa sa magulo kong araw.

Nanay, Mama, Mommy, Inay, hindi ikaw ang ilaw ng tahanan. Ikaw mismo ang tahanang yumayakap, nag-aalaga, nagpo-protekta, nangangaral, nagpapasaya at nagmamahal sa akin.

Salamat po. Happy Mother's Day sa lahat ng mga Ina sa buong mundo. 😊

FB_IMG_1525828303953.jpg
Credit to the owner of quotes

Sort:  

nice date with your mother @jercmonteverde03.

a mother love is irreplaceable

a mother love is irreplaceable

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60238.27
ETH 3215.90
USDT 1.00
SBD 2.46