How To Get POOR Quick - 6 Easy Steps

in #philippines6 years ago

mika-r-588573-unsplash.jpg

Warning: Itong babasahin mo ay hango sa matinding research na ginawa sa "Cardboard" University. Malalaman mo ang step by step at 100% sure way to become POOR as soon as possible. Kahit kailan hindi ka aasenso o yayaman ‘pag sinunod mo ‘tong steps na ‘to.

Yung ibang tips dito ay galing pa sa librong Think and Grow Poor. Kaya ‘pag sinunod mo itong mga steps na ’to, I guarantee na magkakaron ka ng time and financial slavery.

Let’s get started…

sharon-mccutcheon-556371-unsplash.jpg

STEP 1 - Gumastos Ng Wagas

Pagkasahod na pagkasahod mo ganito gawin mo… Punta ka kagad sa mall! Punta ka dun sa mga branded na section. Bilin mo yung pinaka latest na design. Tapos bahala ka na sa buhay mo, bilin mo lahat ng magugustohan mo.

ADDITIONAL TIP: Make sure na gumamit ka ng malaking cart para mas marami kang mabili. Tapos pag may sale sa SM, punta ka at bumili ka ng kung ano-anong bagay. Kahit hindi mo kaylangan bilin mo!

Tapos ‘pag may bagong cellphone model na lumabas, kahit bago pa cellphone mo, bilin mo na kagad yung bago. Di ba gusto mo na mapa bilib mga tropa mo? Kaya OK lang ‘yan, ubusin ang pera dahil mas masarap magyabang sa barkada. Gawin mong motto ay “Gumastos ng wagas na parang wala nang bukas”

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

STEP 2 - Wag Na Wag Mag-Save

Be a YOLO! You Only Live Once. Kaya wag kang mag-iipon. Ang corny n’yan! Ang pag-iipon para lang ‘yan sa mga matatanda. Ang ipunin mo resibo ng mga pinamimili mo. Mas OK yun! Anong gagawin mo sa ipon eh mas masarap magka iPhone ’di ba?

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

STEP 3 - Magpabaon Sa Utang

Oh yeah! Mangutang ka kahit sa kahit kanino. At wag lang basta utang. Dapat yung utang na siguradong hindi mo kayang mabayaran.

Mag-apply ka sa lahat ng credit card providers. Tapos bili ka pa ng mga gadgets na isang beses mo lang gagamitin. Mas maganda kung may kakilala kang bumbay. Utang ka din dun kasi mas malaki sila tumubo five-six.

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

STEP 4 - Wag Mag Plano

Always go with the flow. Pag may biglaang gimik o kaya pag nagkayayaan sa outing go lang ng go. Another opportunity ‘to para ubusin ang pera mo.

Kailangan mong gamitin ang strategy na madalas gamitin ng mga unsuccessful at poor. Ang tawag dito sa strategy na ‘to ay impulsive buying.

Tandaan mo… Wag na wag kang magpa-plano dahil ang pagpa-plano… ‘yan ang pipigil sa paghihirap mo.

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

STEP 5 - Isang Income Source Lang

Wag ka din hahanap ng additional source of income. Mortal sin ‘yan ng pagiging poor. Dapat isa lang ang source ng income mo. Para ‘pag sinuwerte ka at napatalsik ka sa trabaho… BOOOM sigurado 'yun poor ka kagad. Baka mapasigaw ka pa ng OH YES! UNSUCCESS!

Pag may nakita kang kahit anong opportunity, siguraduhin mong maging close minded ka ha? Ang pagiging open minded ay para lang sa mga mayayaman. Maniwala ka lang na lahat ng bagay ay IMPOSIBLE! Walang posible sa mundong ‘to. Lahat ng nakikita mo fake lahat ‘yan OK?

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

STEP 6 - Sumama Ka Sa Mga Negative

Ito talaga and pinaka sikreto sa paghihirap!... Makipag halubilo ka sa mga maling tao. Mga tao na may poor mindset at negative thinker. Sila yung mga tao na tutulong sa’yo para maging very poor.

Ganito gawin mo… Hanap ka ng mga sumusunod:

  • Tsimosa
  • Sugarol
  • Basagulero
  • Batugan
  • Lasingero

Tapos make sure na araw-araw ay napapalibutan ka nila. Araw-araw mo silang kausapin at pakinggan. Pumunta ka din pag may mga gatherings sila. Tulad ng Tambayan sa kanto, Tsimisan sa gilid, Inuman sa tindahan at marami pang iba.

There you have it, How To Get POOR Quick!!!

Napaka effective nitong steps na ‘to dahil ito yung eksaktong ginawa ng 99% ng mga Pinoy. Kaya sigurado ako sa effectiveness nito kung gusto mong maghirap.

Eh pano naman kung ang gusto mo eh maging mayaman? Wag na ‘yun mahirap yun! Pero simple lang gagawin mo,… kabaligtaran ng lahat ng mga ‘yan!

Magsimula ka dito:

http://myunitylink.com/aps/?unid=1516251950

DQmVr3kJny5AAuJUt1dGTwu7GkN1DfszzvS9S3YbJVDkABX_1680x8400.png

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 63747.88
ETH 3130.43
USDT 1.00
SBD 3.89