Tips in Taking the LET
Hello Filipino Steemians!
Ang post na ito ay para sa mga kukuha ng LET ngayong setyembre.
Ang LET o Licensure Examination for Teachers ay isa sa pinakakaabangan at pinaghahandaang pagsusulit para sa amin na nagtapos sa kursong edukasyon.
Ako ay nagtapos noong 2014 at kumuha ng pagsusulit noong Marso 2015.
Naalala ko wala akong ka ide-ideya noon. Kaya naman gusto ko makatulong sa mga kapwa ko "Education Graduate" para mapaghandaan nila ang eksaminasyon.
Ang LET ay gaganapin sa Setyembre 24, araw ng linggo ibig sabihin dapat sa panahong ito tapos ka na sa sunog-kilay na pagre-review. Nung ganitong mga panahon "sawang sawa" na ko mag-review kaya 3 weeks pa lang bago yung exam, hindi na ako nagbasa pero meron akong maliit na notebook kung saan sinulat ko yung mga mahahalagang konsepto, tao, teorya to recall it before the exam.
Ano ang dapat gawing 1 week before the exam?
a. Relax Yourself
Tama yan. Mahalaga na mag-take ng exam na hindi ka stressed. Masuwerte ako kasi supportive yung family ko at hindi nila ako pine pressure. Give yourself a treat kainin mo yung gustong mong kainin pero dapat mag-ingat ka. Mahirap na baka sumakit yung tiyan mo sa araw ng exam.
b. Make sure to bring all the needed documents in the exam.
Guys! Huwag na huwag niyong kalimutan dalhin yung mga requirements ninyo lalong lalo na yung NOA. So please prepare it
ahead of time andd double check it. Mahirap na ma-stressed on the day of the exam. Huwag niyo rin kalimutan yung
calculator niyo. Yung akin, hindi ko nakalimutang dalhin pero nakalimutan ko namang i-uwi. hehe
c. Visit your Testing Center Before the Exam
Napakahalaga na maging pamilyar ka sa Testing center especially sa Room Assignment. Napaka-hassle kung on the day of the exam eh hahanapin mo pa lang yung room. Kung malayo yung biyahe mo, I advise to stay in a place near your Testing center the day before the exam. Especially 6:30 am pa lang dapat nasa room assignment na kayo.
d. Other things to bring.
Dapat prepared kayo guys. Minsan hindi natin alam yung sitwasyon natin sa exam kaya dapat palaging handa.
• Medicine- Baka biglang sumakit yung ulo mo o baka naman tiyan sa sobrang kaba. Kung may asthma dalhin mo na rin
inhaler mo.
• Jacket/payong/Pamaypay - Gaya ng sabi ko dapat palaging handa. Baka mainit sa room niyo or baka naman malamig.
Konting discomfort lang talagang makaka apekto yan sa pag take ng exam.
• Baon/foods - Don't worry allowed kang kumain sa room niyo habang nag eexam. Naalala ko baon ko chocolate, actually
this was the best part of the exam. Hahaha.
e. Matulog ng maaga.
Dapat lang huwag kang magpuyat sa gabing ito please. Pero sa experience ko nahirapan akong makatulog, excited ata ako 'nun! Excited matapos. hehe
f. Do some Stretching Before the Exam.
Konting oras na lang exam na. Sino ba naman hindi kakabahan nun? Kaya pag nanginginig ka na do some stretching. It will help to ease your muscles, don't forget to breathe in, breathe out it really helps.
Tips During the Exam.
a. Follow the instructions.
Kahit ga'no ka pa katalino kung hindi ka marunong sumunod sa panuto eh hindi ka papasa. So, bago mo sulatan yung papel mo make sure na nakinig ka na sa instructions at sigurado ka na sa gagawin mo.
b. Unahin yung pinakamadali.
Guys! May mahirap na tanong at merong madali pero pare parehas lang yang "isang puntos". Kaya parang awa mo na huwag mo namang unahin yung Math. Unahin ang mga tanong na madali at sigurado ka.
c. Read the Questions carefully.
Basahing mabuti yung tanong huwag excited masyadong tapusin. Beware sa mga salitang except, least and etc.
d. Elimination Method.
Multiple choice ang exam kaya pagkatapos mong intindihing mabuti ang tanong unahin mo tangalin yung mga choices na siguradong kang mali. Para bawas sa sakit sa ulo.
e. Be aware of the time.
I-budget mo yung oras mo. Baka hindi mo mapansin konti na lang oras mo pero marami ka pa palang dapat sagutin.
f. Don’t leave any item without an answer.
Huwag na huwag. Kung hindi mo talaga alam yung sagot at least make a “wise guess”.
g. Review your answers.
This is sooo important. Mahirap na baka mali pala yung nalagyan mo ng shade.
Final tip:
Just enjoy it.
Ako inenjoy ko lang yung chocolate na baon ko este yung exam ko. Sa totoo lang hindi ako kinabahan nung araw na iyon maybe because I'm not pressured. Pero guys trust me kahit ga'no kadali yung exam kung kulang ka naman sa preparasyon hindi ka talaga papasa. Well, maliban na lang kung masuwerte ka talaga. Kaya naman tandaan niyo na anuman ang resulta, exam lang yan. Hindi sa LET nasusukat kung magiging successful ka sa buhay.
I hope makatulong ito sa inyo guys!
Steeming with love,
ISHTEL
P.S.
Pagpasensyahan niyo na guys kung SALITANG KANTO yung ginamit ko. hahaha :D