ANG KABILANG MUKHA

"PAGOD",

isang nakakalungkot na salita. Subalit doblehin mo ang "PA" at ihiwalay ang "GOD" ang lalabas ay "PAPA GOD", sa tagalog "DIYOS AMA". Nakakatuwa kasi sa salitang "PAGOD" kasama mo pa rin ang DIYOS.

"SAWA"

di maiwasang maranasan. Ayoko na... suko na ako... sawang-sawa na ako. Subalit ihiwalay mo ang letrang"S"sa bong salita at basahin ulit :" S AWA". Sa "AWA" ng DIYOS bigyan nawa tayo ng lakas na magpatuloy

"SUYA"

o nakakainis, nakakabuwsiti. Ngunit basahin mo pabaliktad: "AYUS". Maghintay. May inaayos ang DIyos na mas mabuti para sa iyo.

PAGOD, SAWA, SUYA. Mga negatibong salita. Subalit may ibang mukha. PAPA GOD, S AWA at AYOS. "SA AWA" ni "PAPA GOD" maaAYUS din ang lahat. may kahulugan ang bawat paghihirap.


GALING PO ANG AKDANG ITO SA AKING DYORNAL na gamit ko noong panahong nilugmok ako ng aking karamdaman :)
ang larawan po ay akin. Kinunan gamit ang aking VIVO Y53

pinagmulan

Thank you for Reading my blog

Sort:  

Ang ganda naman nito bes. Nakakabilib yung optimism at positivity sa gitna ng pagsubok. Nakaka-inspire.

thank you bes....sa discord lang talaga nagttransfrom ang personality ko haha

maraming salamat bes
naks naman

Coin Marketplace

STEEM 0.04
TRX 0.32
JST 0.084
BTC 64638.90
ETH 1754.35
USDT 1.00
SBD 0.44