Adventure Blog#1: Hinulugang Taktak!

in #nature7 years ago

Another day, Another Adventure!
Hinulugang Taktak! Yan ang lugar na ating tatalakayin. Sulit na sulit, ang byahe! Hindi naman sya ganun kalayuan, kaya gora talaga kung gora!

Nang makarating sa aking destinasyon, nakapagparking na, at papasok na sa Hinulugang taktak. Sa entrance, simple lamang ito, ngunit napapaligiran ng kalikasan.

received_709527155913088.jpeg

Pagpasok naman, aba'y kayganda ng paligid, ang unang makikita, ay ang talon o ang tinatawag na falls. Kayganda talaga ng paligid. Nakakaengganyo maglibot libot at icherish ang every moment. Since napapaligiran talaga ng kalikasan ang lugar, napakasariwa ang simoy ng hangin at napakaaliwalas ng lugar.

Marami ang nagpapapicture sa lugar, dahil kitang kita ang kagandahan ng falls, dinig na dinig din ang ragasa ng tubig habang bumabagsak ito pababa mula sa itaas ng talon o falls.
received_709527159246421.jpeg

Kapag nilibot naman ang paligid, maraming cottages o mga kubo na pwedeng paglagayan ng mga gamit, dahil, marami rami ding pamilya o mga magkakasintahan ang bumibisita dito, na may mga dalang pagkain at baon at mga gamit, kaya naman mayroong mga cottages o mga kubo. Sa kabilang side naman ng lugar, kung sa kabilang dako ay may talon, sa kabila naman mayroong pool or paliguan para sa mga bata pati nadinsa mga young at heart. May different level ang pool heights, mayroon itong level para sa mga bata lang, meron din para sa mga matatangkad at marurunong lumangoy.

Napakasaya naman talaga pumunta sa lugar na ito, sa Hinulugang Taktak, lalong lalo na kapag kasama ang mga pamilya o kaya naman ang mga mahal sa buhay, nagkakaroon ng family bonding, at napakaaliwalas ng lugar kaya nakakaengganyong bumalik balik.

Sort:  

Thank you for sharing this with us @lynrogan and @lebron2016! 🇵🇭♥️
Let's keep up the great work!
Upvoted. See ya around!

Congratulations @lynrogan! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of posts published

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Wow thank you so much!

Superb friend. Ang ganda. Sadyang mayaman ang pilipinas ng magagandang tanawin.

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.35
JST 0.057
BTC 95806.62
ETH 3822.24
SBD 4.14