Inang Kalikasan Ating Alagaan (poetry about nature) #philippines

in #nature7 years ago

Ang ating kapaligiran ay pag masdan mo
Napakaganda ng ating paraiso
Binibigay pangangailangan ng tao
Ating mundo’y sadyang nilikha na perpekto

Sagana sa tubig, malinaw at malinis
Sarap ng simo’y ng hang’y di maaalis
Iba’t ibang hayop sa berdeng kagubatan
Magagandang tanawin,kaysarap puntahan

Pero ngayoy ano nang nangayari
Sadyang ky dami nang basura at hindi ko mawari
Bitak sa lupa, mga guhit sa dingding
Kalbong gubat, banging malalim

Huwag pabayaang magmina nang magmina
Huwag pabayaang gubat ay ipagahasa
Ipagtanggol ang tubig, hangin, at isla
Laban sa mapandambong na kapitalista!

Ang nakalbong gubat ay isang epekto,
Pagkaganid ng tao ang sanhi nito.
Kaya't wag nang magtaka sa kalamidad,
Darating yan kahit hindi natin hangad.

Kung hindi ikaw, sino ang kikilos?
Kung hindi tayo, wala ng maaayos.
Ako,Ikaw, Tayo ang pag-asa
Para lupit ng kalikasan hindi natin matamasa.

IMG_20170905_205839.JPG

Photo source

received_1887192887964300.jpeg

Sort:  

Keep the good work up. Stay awesome

Yes i will. Thank you so much @surpassinggoogle

upvoted mula kay mrblu

Salamat po :-)

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.035
BTC 95967.22
ETH 3310.18
USDT 1.00
SBD 3.15