Para sa lahat ng kailangang mag move on dyan
Alam mo sa sarili mo na bago ka pumasok sa relasyon ay masasaktan ka. Pero tinuloy mo pa din. Kasi mahal mo. Kasi napapasaya ka nya. Ganon talaga pag mahal mo. Di mo maiisip yung sakit. Di mo maiisip na mag hihiwalay kayo. Akala mo perfect na. Pero sa bawat relasyon ay may mga pangyayaring hindi maganda na di nyo maiiwasan. Nasasainyo na lang yan kung ipaglalaban nyo ba yung relasyon nyo at itutuloy ito o mas pipiliin nyo na lang bumitaw.
Hindi lahat ng relasyon ay puro happy ending. Siguro nga nag hiwalay kayo. Pero marami pang iba dyan. Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong mas piniling sukuan ka ng dahil lang sa pagod na sya o di na sya masaya. Kasi kung mahal ka talaga nyan kahit anong pagod at lungkot ipaglalaban ka nyan. Pero kung pinili nyang bumitaw ay intindihin mo na ang. Siguro hindi pa ngayon yung oras para sainyo. Siguro marami lang bagay na gumugulo sa isip nya. Ibigay mo sakanya yung oras na gusto nya. Kung ayaw nya na edi ilet go mo na kung yun yung mag papasaya sakanya.
Sabi nga nila ""if it's meant to be, it's meant to be."" Siguro pinagtagpo kayo para matuto, para makita yung mga pagkakamali at mga bagay na kelangan mong baguhin. So move on. Wag mag hold on sa taong bumitaw na. Malay mo naman kayo parin sa huli pero hindi nga lang ngayon. Pero kung hindi edi humanap ka ng iba. Madami pang iba dyan So cheer up myself. You'll get better soon. Be happy. At bigyan mo ng oras sarili mo. Get better and prove them wrong."
Keep up the great work @jblabsq
Upvoted
Hi! This post has a Flesch-Kincaid grade level of 7.2 and reading ease of 59%. This puts the writing level on par with Tom Clancy and F. Scott Fitzgerald.