Sakripisyo ng magulang para sa anak
Hindi matatawaran ang naging sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak,handa nilang Gawain ang lahat para lang sa kanilang mga anak,kahit pa itoy buhay ang nakasalalay Hindi magdadalawang isip ang mga magulang na isakripisyo,kahit na buhay nila ang kapalit alang alang sa kanilang mga anak,napakamahal ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak.
Kung may maraming pagsubok sa buhay o dumanas ng matinding kahirapan ang kanilang mga anak handang makipagpalit ang mga magulang para lang Hindi makaranas ang mga anak ng matinding sakit at pagkabigo sa buhay,gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para sa kapakanan ng kanilang mga anak,Hindi kayang tingnan ng mga magulang na nagdurusa ang kanilang mga anak,kahit na anung pagsubok ang dumating kinakaya nila para lang sa kanilang mga anak ,kaya para sa ating mga anak Hindi man natin matutumbasan ang sakripisyong kanilang ginawa para sa atin,ipadama natin sa kanila kung gaano rin sila kahalaga sa ating buhay, kung gaano natin sila kamahal,kung gaano natin inaasam asam na silay makasama natin habang buhay,alam nating lahat na may pagkakamali rin ang ating mga magulang pero Hindi ito sapat para matumbasan natin ang isinakripisyo nilang buhay para sa mga anak.
Kahit na nagkasala sila sa atin Hindi ito dahilan para mawalan tayo ng respito at pagmamahal sa kanila,dahil walang yaman o pera ang makatumbas sa kanilang ginawa,kahit na buhay natin Hindi sapat para tumbasan ang naging sakripisyo nila sa buhay ,kaya habang ang ating mga magulang ay buhay pa ipadama natin na mahalaga sila atin, lagi tayong magpasalamat sa kanila na kung Hindi dahil sa kanila di tayo makakakita ng mga magandang bagay dito sa mundo, kung Hindi sa kanila Hindi natin makamtan ang buhay na inaasam asam, Hindi natin makamtam ang magandang kinabukasan, kaya habang sila ay nakikita at nadama kahit na Hindi tayo mag sasabi na Mahal natin sila ipadama natin kung gaano natin sila kamahal at aalagaan ng mabuti habang nandito pa sila sa mundong ibabaw.