Paminsan Minsan

in #love7 years ago

Kapag ako'y nag iisa
Paminsan minsan iniisip ka
Bago ako matulog gabi gabi
Isip tungkol sayo ay sari sari

Umuulan o umaaraw
Sabi ng langit dadating ka raw
Ngunit pilit kong pinigilan
Itong di maaaring maramdaman

Sabi nga nila limutin na kita
Ngunit pag asa nitong mangyari ay wala
Mga litrato't ala ala mo
Di maalis sa isipan ko

Isa lang naman ang nais ko
Ngunit hindi mo naman maintindihan ito
Hindi kasi madali ang iwasan ka
Dahil ang nais ay makapiling ka

O pag ibig, bakit lahat ng mga daing ko
Sa utak ko lamang ay gulong gulo
Sana pagdating ng tamang panahon
Sa lakas ng agos ay ako'y maiahon

Nakakatamad nang sa pag ibig magsugal
Ang gawaing ito ba ay marangal?
Dahil paminsan minsan iniisip ka
Kapag ako lang ay nag iisa..

#poeticNight

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59479.71
ETH 3174.48
USDT 1.00
SBD 2.44