Happy Valentines--munting pasasalamat

in #love6 years ago

FD34B87D-4C9B-4627-BC70-3A6E42EE244A-2829-0000024482DDD24E.jpeg

Image Source

10.

Sampung taon na tayo bilang mag-gf/bf. Maraming pagsubok ang dumaan at tanging ating pagmamahalan ang nagpatatag.

9.

Siyam na buwan kong dinala ang naging bunga ng ating pagmamahalan, si Yanna na ibang ligaya ang hatid sa atin.

8.

Walong oras na pagtitiis sa trabaho upang pangangailangan nami'y iyong matustusan.

7.

Pitong araw sa isang linggo, dalawampu't apat na oras sa isang araw, tanging kayo ng pamilya ko ang laman ng puso't isipan ko.

6.

Ika-anim ng Marso ng tayo'y magpasyang mag-isang dibdib. Nangakong habang buhay na pamamahalan, aalagaan ang isa't isa at itataguyod ng magkasama ang bubuuing pamilya.

5.

Limang taon inilihim ang ating relasyon. Pinakikilala kita bilang kaklase, kaibigan lang sa tuwing sa atiy may makakakita. Sinong magaakala tatagal ka sa ganoong set-up.

4

Apat sa Tagalog, Four sa ingles, Four-ever kitang iibigin, ikaw at ang anak natin.

3.

Tatlo salita -- I Love You ang lage mong sinasambit sa amin ni Yanna.

2.

Dalawa kayo ni Yanna na inspirasyon ko sa araw-araw.

1.

Isa.. Tanging nagiisa ka sa buhay ko bilang aking asawa.

Salamat sayo aking ng asawa sa pagmamahal sa amin ni Yanna. Sa pagtitiyaga, pagtitiis para sa aming dalawa.
Mahal na mahal ko kayo dalawa ni Yanna

HAPPY VALENTINES DHIE❤️❤️❤️

IMG_0600.JPG

IMG_2520.JPG

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66521.28
ETH 3454.20
USDT 1.00
SBD 2.67