Spoken Poetry

in #love7 years ago

Salamat sayo
By: Kwero Beltran ✍🏻

Salamat, salamat sa pananakit mo
Salamat sa minsang pagpaparamdam na mahal mo ako teka minahal mo nga ba ako? O tinuring mo lang isang laro ang relasyon na ating binou?
Binigyan mo pa ng halaga lahat ng nabou nating alaala? O tinapon mo lang ito tulad ng ginagawa ng iba!

Salamat sa sakit na pinaramdam mo, Salamat sa pagwasak ng sumpaang ikaw lang at ako laban sa mundo.
Salamat sa pagtalikod sa pagmamahal na tapat at totoo, sana maging masaya ka sa aking paglayo dahil sobrang pagod na ako. Pagod na akong umasang maayos pa natin ang lahat ng ito dahil sa umpisa pa lang binitawan mo na ako. Ang dami kong natutunan sa relasyon na ating binou yun yung maging tapat sa taong mahal mo at ipadama ang pagmamahal na totoo kahit ang kaakibat sa bandang huli MASASAKTAN AKO! Kaya uulitin ko SALAMAT SAYO!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57296.76
ETH 3055.75
USDT 1.00
SBD 2.32