Maghihintay Ako - Tula ng taong susubukan ulit magmahal

in #love7 years ago

Ang tula na ito ay isang kwento ng isang babaeng nagbakasyon sa kanyang probinsya at nakilala ang isang lalaking pinaranas sa kanya ang salitang pag-ibig..

IMG20180102165253.jpg

Di ko alam saan sisimulan
Ang kwentong ito na merong katapusan
Di ko alam kung totoo ba ang nararamdaman
O ang lahat na ito'y pawang imahinasyon lamang

Nagsimula nga ito sa ngiti na matamis
Magtatapos ba ito sa aking pag-alis?
Madali ka mang malapitan at maka-usap noon
Ngunit malabo na ata itong gawin ngayon

Mga alaalang nabuo kasama ka
Malilimutan ko ba ito pag malayo ka na?
Alam kong hindi ito madaling mabura sa isipan
Lalo na't madami na tayong napagdaanan

Hindi maisip kung ano ang dahilan
Kung bakit ka nagkakaganyan
Mga tanong ko na hindi nasagutan
Mula sa iyo, kailan ko malalaman?

Sa lahat ng nangyari, oo! Ako'y apektado!
Di malaman kung anong gagawin ko!
May nangyari ba na di mo kayang sabihin?
Isa ba itong lihim pagdating sa akin?

Simula noong ako'y umalis
Pagbabago mo'y parang kidlat sa bilis
Mga tawa at ngiti na dating nakapinta sa iyong mukha
Pagkaharap mo ako, ba't ngayon hindi mo na magawa?

Nalulungkot man, hindi ako pwedeng maging ganito lang
Sa buhay, hindi dapat ako matakot humakbang
Sa plano ng Diyos, alam kong walang hahadlang
At pipiliin kong maghintay na lamang

Di ko man alam ang tumatakbo sa iyong isipan ngayon
Sana masabi mo na ito sa tamang panahon
Handa akong maghintay kahit matagalan
Dahil naging mahalaga ka na sa akin, aking kaibigan.

A/N: Sa pagbalik ulit ang babae, tatanungin niya na sa lalaki kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya. Kung ano ba siya sa buhay niya, kaibigan lang ba talaga o ka ibigan..

Sana magustuhan ninyo ang tulang ito :D

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68244.61
ETH 2640.30
USDT 1.00
SBD 2.69