Kaunting Silong a tagalog poetry
Maliit na tahanan tayo'y nakatira
May Isang Mesa at apat na silya
Tatlong lakad sa may kusina
Sabay Lingon sa may bintana
Kama at iba'y nasa sahig
Kaawa-awa kapag taglamig
Ihip ng hanging maginaw sa amin ay dumadampi
Panalaba'y kumot yakap ko buong gabi
Ganoon man ay masaya kami
Munting silong di ko ipagpapalit
Ito'y Palasyo namin, gusto kong ibanggit
Simpleng pamumuhay aming nakamit
Ilang lakad mula sa bahay namin
May sapa, puno at malawak na tanawin
Huni ng kumakantang ibon ay maririnig
sa ganda ika'y makakapikit
Habang nakahiga sa malambot na damo
Minimasdan ang ulap, kasamay gamo-gamo
Di namalayang oras at tumakbo
Paglubog ng hari doon patungo
Oras na nang uwi, isda, panggatong
Bitbit ko ito bilang pasalubong
Pagkarating ko'y nandyan na sila
Sa hapunan ay nagsabay ay masaya
Sana'y nabighani ang inyong mga damdamin sa
tulang aking ginawa
Gamit ang kaalaman bigay ng maykapal.
Labis ang aking pananabik sa inyong komento,
reaksyon, at mga pagboto Maraming salamat po!
Tag:"brapollo29"
Wow amazing view! It's our dream I hope one day we can see something like that. Really good photo :)