Mahal Ko Siya, Pero...

in #literature7 years ago (edited)

Oo Mahal Kita, pero ang sakit-sakit na!

Mga salitang narinig ko sa kanya,
na animo'y nagbuhos ng malamig na tubig upang ako'y matauhan na.
Anong nangyare sa amin, dati naman kaming masaya...


Simula ng maghiwalay kami ng ex-girlfriend ko, siya ang aking takbuhan.

Lagi siyang nariyan, hindi ako iniwan.
Ginagawa nya'ng lahat makalimutan ko lang ang pait at matakpan ang sakit.
Pinalitan nya ng halakhak ang mga oras kong umiiyak.
Pinawi ang lungkot na nagdala sa akin ng galak.
Hanggang sa namulat ang aking mga mata, isang araw, mahal ko na sya.

Inamin ang damdamin at laking tuwa ng malamang ako'y mahal rin nya.
Kami'y nagsaya, dinagdagan ang mga araw na masasaya na kala mo'y laging fiesta.
Walang araw na kami'y hindi nagkikita, ako'y kanya pang pinakilala sa kanyang pamilya.
Galak at mainit ang kanilang pagtanggap, ano pa'ng hahanapin ko masaya naman ako.

Masaya ako... masaya nga ba ako?

Sa aking pag uwi, madaming tanong ang namumutawi.
Mahal ko sya, alam kong mahal ko sya...
Pero parang mahal ko parin sya?!?!?

Nakasalubong ko ang aming kaibigan, kami'y nagka kumustahan.
Matagal-tagal narin kaming hindi nagka-kwentuhan, mula ng kami ni Edna'y naghiwalay.
Sa aming huntaha'y napag usapan ang dating katipan at saki'y ibinalitang
Iniwan na sya ng kanyang kasintahan
Na dahilan ng saki'y pag-iwan.

Oras ko'y parang huminto...
Pintig ng puso ko'y bumilis na parang nakikipag-patintero.
Hindi ko na namalayan iba pa nyang sinabi,
Iniwan na sya ng kanyang kasintahan!
Mga salitang umaalingawngaw sa aking isipan.

Alam kong hindi tama pero gusto kong malaman
Kumusta na sya, baka kailangan nya ng malalapitan
Madaming gumugulo sa aking isipan,
Madaming tanong na wala akong kasagutan...
Hanggang tumunog aking telepono,
Nakalimutan ko ng tawagan ang girlfriend ko

Nag-iba aking nararamdaman,
Pilit ko'ng pinaglalaban pagmamahal ko sa'king kasintahan
Ngunit di ko namamalayan, siya'y aking nasasaktan
Ano'ng aking gagawin, naglalaban aking damdamin.
Akin bang ikasisiya kung siya'y pakakawalan,
O ipagpapatuloy kahit siya'y nasasaktan.

Mahal ko sya, pero sapat bang mahal ko lang sya???

Oo Mahal kita, pero ang sakit-sakit na
Hindi ko ipagkakait kung kaligayahan mo'y sa kanya
Maigi pang tapusin ang relasyon natin
Hanggat may masasaya pang alaala

Hindi ka ba nag sasawa, sa paulit ulit nating ginagawa?
Konting tampuhan nauuwi sa away
Hindi tayo ganto, hindi ito ang gusto ko
Alam kong mahal mo ako, kasi naramdaman ko
Pero baka hindi sapat para siya'y makalimutan mo

Oo napapansin ko, malaki ang iyong pinag bago
Hindi ikaw malilito kung talagang ako lang ang mahal mo
Baka talagang hindi tayo, O baka hindi oras natin to
Masmakakaluwag sa damdaming alam kong hindi ka na akin
Kesa sa ika'y akin ngunit hindi ang iyong damdamin...


Source
688256598-clip-art-of-a-border-of-pink-hearts-by-gina-jane-1010.jpg

Thanks for reading, Steem On!


688256598-clip-art-of-a-border-of-pink-hearts-by-gina-jane-1010.jpg

Sort:  

huwaaaaw! napukaw ang puso ko..... pero hindi ko na sy maha dahil may mahal na akong iba =)

Dapaaatttt 😂😂😂

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 66254.46
ETH 3319.59
USDT 1.00
SBD 2.69