Literaturang Filipino: Itim - Sa Kadiliman ng Gabi

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

images.jpeg

Ang pagsapit ng gabi't paglaganap ng dilim
Ay ang hudyat ng iyong paninimdim
Suot mo'y kawalan at saplot mo'y itim
Dala mo'y katahimikan sa gabing malalim.

Kaya kong yakapin ng buo ang kadiliman
Doon ko naramdaman ang pag-ibig at kapayapaan
Matagal kong inasam at ngayo'y nakamtan
Ang tunay na kaligayahan.

Walang nakikita ang aking mga mata
Ngunit sa samyo mo'y nararamdaman kita
Hindi ito ang una nating pagkikita
Ngunit parang ito na ang huli, aking sinta.

Mahal kong Bathala dinggin ang aking hiling
Umaga't bagong araw di na sana darating
Na sana'y di ka mawalay sa aking piling
At sana'y kapiling kita hanggang libing.

Ang unang sinag ng araw sa umaga
Ang palatandaan ng iyong pagkawala
Iniwan mo akong hubo't hubad at nakahiga
Sa gitna ng parang na walang hininga.

Image Source: 1

Sort:  

Congratulations @ybanezkim26! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of upvotes

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

By upvoting this notification, you can help all Steemit users. Learn how here!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60787.79
ETH 3242.30
USDT 1.00
SBD 2.46