Literaturang Filipino: "Bagong Taon, Bagong Sarili!"

images (8).jpg

Dahil magbabagong taon na, dapat ay may mga pagbabago na rin tayong dapat gawin sa ating sarili. Ito yung mga bagay na puwede nating idagdag o tanggalin sa ating buhay. Maaaring ito ay mga tao, pangyayari, o kahit ang ating mga kanya-kanyang personalidad na nagbibigay repleksyon sa ating pagkatao o nagbibigay ng kahulugan sa ating sarili at sa mga mata ng ibang tao.

Kaya ito, ako ay may handog sa inyo na isang tulang napapanahon o akma sa okasyong pinagdidiriwang natin sa buwan ng Desyembre. At bilang suporta na rin sa patimpalak na ino-organisa ng @steemph.cebu, ang paggawa ng Maikling Tula. Ito ay opisyal na entry para sa sinabing patimpalak. Maari rin kayong sumali at may pagkakataon kayong manalo ng karagpatang gantimpala para sa inyong likhang literatura.


Literaturang Filipino: Maikling Tula
Paksa: Pagbabago
Straktura: 4 na stanza, 4 na linya bawat stanza
Titulo: "Bagong Taon, Bagong Sarili!"

"Bagong Taon, Bagong Sarili!"


Ako ay namulat sa katotohanan,
na ang lahat ng mga bagay ay dadaan lamang,
mga mapapait na nangyari'y naging sandata,
at mga magagandang bagay ay nagsilbing pag-asa.

Isang taong kapupulutan ng aral,
Isang taong purung-puro ang natanggap na pamgmamahal.
Sa mga hindi ko nagawang mabuti, ay aking gagawin.
Sa mga nagawa kong kamalian, ay hindi na uulitin.

Tanggapin ko man o hindi ang mga nangyari ngayong taon,
alam kong tatanggapin parin ako sa susunod na taon.
Hindi man tulad ng iba ang mga nais na makuha,
ang pag-asa'y ay hindi nauubos para sa mga sinisinta.

Iba man ang takbo ng buhay ko sa susunod na bagong taon,
alam ko'ng kagandahan nito'y nakikita sa bagong pagkakataon.
Lubos ang saya sa mga naranasang pighati,
dahil sa huli magbabago na ang aking sarili.


At yan po ang aking opisyal na entry para sa patimpalak sa paggawa ng Maikling Tula. Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Maari niyo ring suportahan ang mga gawa kong tula na gamit ang linggwaheng Filipino at sa ngayon ay umabot na sa bilang na 78, Makikita Dito

Image Source

New-Animation-1.gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

Sort:  

Thank you very much

Very nice post ..thank you for sharing this good simply superb postt..@themanualbot

Greta..god bless u happy boxing day....i like your post upvote me dear

The illustation of fist automatically refers to change. I wonder how PRRD's campaign affect it or is it the other way around.

It will depend merely on human reaction taking as whole and as what small entities trying to convey that it was a total failure.

I was just referring to the illustration of the fist. haha but okay anyway.

Thanks for the short story contest which you are going to arranged. All the best to all participants. Great job @themanualbot

You're perfect

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 68338.18
ETH 2645.26
USDT 1.00
SBD 2.69