Literaturang Filipino: Ang Buhay na Binigyan ng Kulay




IMAHE



Ang Buhay na Binigyan ng Kulay



Kung minsan, ang ating buhay ay madilim
Ito ay puno ng pighati at mga lihim
Maraming katanungan ang lumulutang
Problema ay nakaukit sa bawat hakbang

Tayo ay parang nawawalan ng pag-asa
Nababalutan ng kaba at pagdurusa
Ngunit, kaibigan, ang buhay ay hindi laging ganyan
Magtiwala ka lang, buhay mo rin ay makukulayan

Kailanman, ikaw ay di mag-iisa
Matatapos ang mga luha't pagkabalisa
Tumingin ka sa itaas, andiyan lang SIYA
Karamay mo sa hirap man o sa saya

Tingnan mo ang iyong kapaligiran
Ito ay puno ng kulay at kaligayahan
Matuto ka lang ngumiti at pahalagahan
Maliit na bagay man, puso mo'y gagaan

Buhay mo man ngayon ay madilim at nakakainip
Kulayan mo ito tulad ng sa iyong panaginip
Walang magbabago kung wala kang gagawing!
Bumango at kumilos ka! Buhay mo ay palawigin!


@tegoshei





Itong tulang ito ay ang aking lahok para sa Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #3.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59933.20
ETH 3191.47
USDT 1.00
SBD 2.44