Literaturang Filipino: Pula Ng Isang Bobo
![quote20171201223300.jpg](https://steemitimages.com/640x0/https://res.cloudinary.com/hpiynhbhq/image/upload/v1512138930/tqvg3vq4mc2alrzshddq.jpg)
Gwapo sana, pero napagkakamalang mangmang
Umaga hanggang gabi, mukha ko'y nasa Kompyuteran
Ang hindi nila alam, sa Dota, ako'y isang Beteran!
Grade six, nung ang tatay ko'y na-flush sa inidoro
Walo kaming magkakapatid
Kung asan sila ngayon, 'yan ay hindi ko batid
Pero lagi kong naiisip na hindi ko kaya
Ikaw ba naman ang mabuhay mag-isa?
Araw-araw nabubuhay na puno ng pangamba
Kahit ang mga bagay na maaari kong ikamatay
Itong lahat ay hindi ko ginusto
Pero napilitan akong maglingkod kay Alyas Lobo
Di ko namalayan, sa akin pala ito nakatutok
Unti-unti kong naramdaman ang pulang likidong dumadaloy sa ilong ko
Dito lang pala magwawakas ang buhay ng isang bobong katulad ko?
Ang tulang ito ay pawang kathang isip lamang, ngunit nawa'y nagbigay ito ng magandang mensahe lalo na sa mga kabataan na maging magpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatamasa ngayon.
Ito ay ginawa ko para sa isang Tulang Patimpalak na may paksa tungkol sa Kulay na inorganisa ng @steemph.cebu. Hinihikayat ko ang lahat na lumahok dito, lalong lalo na ang mga kaibigan kong Bisaya.
Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #3
@ering has voted on behalf of @minnowpond.
If you would like to recieve upvotes from minnowponds team on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond.