Ala-ala Natin

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

IMG_20180703_185427_113.jpg

Ang sakit ng kahapon
Ang nagpapatibay sa akin ngayon
Labis ang aking pagdurusa
Noong akoy iniwan mo na.

Mahal na mahal kita
Pero lahat ng iyon ay sinayang muna
Binigay ko sa iyo lahat
Mapasaya ka lamang sinta.

Ang sabi mo sa akin
Ako lamang ang iyong iibigin
Ngunit ano na ngayon
Bakit may iba ka ng katipan?

Nagulat talaga ako
Nang makita kita kasama ang bagong jowa mo
Napatanong sa sarili
Totoo ba kayang mahal niya ako?

Tinanggap ko na lamang
Ang lahat ng iyon
Ang ala-ala natin noon
Ay wala na, ikaw mismo ang nagbaon.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63439.39
ETH 2545.40
USDT 1.00
SBD 2.66